20

7 3 0
                                    

CALI


"Hayyyy" napapabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa tuktok ng hagdan ng metal ladder. Here I am, instead na gawin yung mga bagay na kailangang gawin dito sa library, mas napili ko pa talagang magmukmok. Sobrang lungkot ko.

Kanina kasi, naka received ako ng email galing sa editorial board ng isang publisher ng novels. Rejected yung manuscript na pinasa ko last month. Kulang daw kasi sa feelings.

Pangarap ko maging isang novelist. At sa first attempt ko, palpak agad. On top of that, mababa din yung nakuha kong grade mula sa tulang ipinasa ko sa poetry class namin. At kagaya nga ng manuscript ng novel ko, ganun din yung feedback ng professor ko; pilit at kulang sa damdamin.

"Are you okay?"

Ang nag-aalalang boses na yan ang pumukaw sa pagmumokmok ko. Hindi ko naman na kailangan tumingin para malaman na si Jett yun. Bukod sa siya lang yung student assistant na kasama ko sa library, kabisado na rin ng tainga ko yung boses niya.

"Bakit ang aga mo? I thought, mamayang 4pm ka pa." tanong ko instead na sagutin yung tanong niya.

"Maagang natapos yung lab activity namin." umupo si Jett sa pinaka mababang part ng hagdan at tumingala sakin. "Now tell me, what's your problem? Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa dyan?"

"Wala"

"Wala ka diyan. Sisimangot ka ba nang ganyan kung wala talaga?" tumanggi lang ulit ako pero sadyang makulit yata talaga lahi nito ni Jett. Kaya kinwento ko na sa kanya. Tahimik lang din naman siyang nakinig sa akin.

Funny, pero napaka dali lang para sakin na mag kwento kay Jett ng ganoon ka personal na bagay. Samantalang hindi ko pa naiki kwento kay mama or kahit sa iba kong kaibigan yung pangarap kong yun. Siguro dahil good listener si Jett or baka dahil sobrang close na namin kahit lately ko lang siya nakilala.

"Wow, di ko alam na pangarap mo palang maging novelist." gulat na sabi niya.

"Ano ka ba? Anong nakakagulat dun? Literature student nga ako diba?"

"Actually, I thought gusto mong maging librarian." nakangising asar ni Jett

Hinampas ko nga siya ng mahina sa braso. "Sobrang lungkot ko na nga, nang-aasar ka pa." sumimangot na lang ako.

"I knew something to lessen your sadness." sabi niya.

Bago pa ko makapag react, nakatayo na siya at nakangiting nilahad yung kamay niya para alalayan ako sa pagbaba.

Bigla kong naalala yung mga fairy tales na napapanood ko nung bata pa ko. Parang may scene dun kung saan inilahad ng prinsipe yung kamay niya para alalayan yung prinsesa.

Without any doubt, inabot ko yung kamay ko sa kanya. In my overactive imagination, si Jett yung prinsipe at ako yung prinsesa niya. My ghad! Hindi niyo lang alam kung gaano ako nagpigil para lang huwag mapangisi sa naisip kong yun.

Pinagmamasdan ko yung likod ni Jett, hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya tinatanggal yung pagkaka hawak niya sa kamay ko. I smiled to myself. Wala naman na kasi siyang kailangang gawin para lang mabawasan yung kalungkutan ko. His presence were enough for me.


•••••

:)

Letters for Caliحيث تعيش القصص. اكتشف الآن