02

7 3 0
                                    

CALI

Pasilip-silip ako ngayon sa computer room here in College of Engineering. Hinihintay kong lumabas si Jett Elordi from his hideout. After kasi namin mag-usap ni Brittney, nagmadali ako agad humanap ng infos about Jett.

He was twenty years old and a fourth year Computer Science Student. Eldest son of Jacob and Ellis Elordi na parehong kilala sa business world. He has a younger sister in high school.

He's an excellent student. Aside from being consistent on dean's lister, he is also the president of The Hub - the official organization for ComSci students.

"What took him so long? What is he doing inside?" inip na tanong ko sa sarili ko while peeping through the door.

Ang sabi kasi sakin ng blockmates niya, madalas daw nagpapaiwan si Jett doon. Kaya I'm pretty sure na yung nakatalikod sa akin na lalaki na mukhang engrosed na engrosed sa computer niya ay si Jett. Kumatok ako pero parang hindi niya rin naman naririnig.

Napailing na lang ako. Mukhang matatagalan pa yata ako dito sa paghihintay. Umupo muna ako sa sahig ng hallway at naglabas ng libro galing sa bag. Magbabasa muna ako para hindi ako ma boring.

Halos nasa kalagitnaan na ako ng libro ng marinig ko yung pagbukas ng pinto sa computer room. Napa angat ako ng tingin bigla. My lips parted while I was staring at the man who comes out. I tried to look closely on his features. He was tall. His black hair was pushed back but strands were falling on his forehead. Perfect jaw, nose and lips. Thick brows and pairs of deep captivating eyes. He was attractive, no doubt. I was starstrucked for a minute. Natauhan lang ako ng nawala na yung lalaki sa harap ko at lumiko na sa hallway.

Wt eff is happening to you Cali?

Buti na lang hindi ako nito nakita.

"Wait! Mr. Elordi, wait!" hinabol ko siya. Hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga maglakad yung Jett or sadyang mabagal talaga ako. Kaya halos tinakbo ko na itong sinundan. Napahawak na lang ako sa tuhod sa sobrang hingal. I was catching my breath. Buti na lang naabutan ko pa.

"Yes Miss? Is there something you need from me?" tanong niya sa akin. In fairness, ang ganda ng boses niya. Sarap sa tenga.

Tinaas ko yung isa kong kamay habang nakayuko pa. Hinihingal pa rin ako. "Wait, give me a minute."

"Do you need a water? I can get you some." offer niya sakin.

I shake my head, hinihingal pa din ako. Nang medyo makabawi na ako, tumingala ako and give him my most charming smile and extended my right hand to introduce myself.

"Hi, I'm..." hindi na natuloy yung sasabihin ko ng bigla na lamang itong tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa akin.

•••••



Letters for CaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon