22

6 2 0
                                    

CALI

"I didn't know that Shawn is courting Lexi!" gulat na sabi ko kay Jett habang kumakain kami dito sa cafeteria. Habang naglalakad kasi kami papunta dito, napansin namin na parang may commotion sa labas. And me being the habitual chismosa, hinila ko si Jett palabas para makiusyoso.

Itong katabi ko hindi man lang umimik. Nasa pagkain pa din yung attention. Napangalumbaba na lang ako habang nakatitig sa kawalan. "Lexi is so lucky. If I were her, hindi ko na papahirapan si Shawn. After all, Shawn is as close to perfect as a man can possibly be. He's kind, handsome, witty and besides, mukhang mahal na mahal naman siya. What more can she ask for?"

Ilang saglit dumaan yung katahimikan sa pagitan namin. Nang tignan ko si Jett, nakita kong mukhang gloomy yung aura niya. Hindi lang yun, mukhang asar pa siya kasi nakita kong sa pagkain niya binubunton yung inis niya. Halos tadtarin niya na kasi yung pork na nasa plate niya.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Hey Mister, durog na yung pork steak mo."

And that made him snap out of his reverie. Binaba niya yung kutsara at tinidor tsaka ako tinignan. Masama pa rin yung timpla ng mukha niya. "What? Are you done worshipping my friend?" tila asar na tanong niya sa akin.

I frowned. Iba yung tono ng pananalita niya ngayon. We had been almost inseparable for quite a while now. So I knew that something was really wrong. Never pang naging ganun yung tono ni Jett pag kausap ako. He was always gentle, like the calm breeze in the summer. But now?

"I wasn't worshipping him. I was merely admiring him. Ang sweet sweet niya kasi. Naalala ko si Mr. Darcy sa kanya." paliwanag ko.

"Basically, you can see your dream man in Shawn. Tell me something, do you like my friend?"

I was once again taken aback by his question and expression plastered on his face. Hindi ako sure kung saan niya napulot yung tanong niya sa akin. It was so unlike him to be this bad-tempered and irrational. Parang bigla na lang nilipad yung logic and maturity ni Jett.

"Hindi ka na makasagot dyan. Ibig bang sabihin ba may gusto ka nga talaga sa kanya?" mas sumeryoso ata yung mukha niya ngayon.

AHAHAHAHAHAHAHAHA.

Napahagalpak na lang ako ng tawa. Hindi ko na kaya e. "Alam mo, dapat nakikita mo yung mukha mo ngayon. Daig mo pa yung isang tatay na may anak na nagdadalaga." asar ko kay Jett.

"You're not answering my question." Oh gosh Jett, why are you so impatient. Hahaha.

Pinigilan ko yung sarili kong mapangiti. Kahit alam kong masama maging assuming, hindi ko maiwasang nagseselos si Jett.

Dumukwang ako sa table palapit sa kanya. Tsaka pinagpantay yung mukha naming dalawa. Marahan kong pinisil yung magkabila niyang pisngi. "Though, gwapo, mabait, matalino at sweet si Shawn, wala po akong gusto sa kanya. Paano ko siya magugustuhan, eh hindi nga kami nakakapag bonding nun. And besides, bakit pa ko titingin sa iba, kung nandyan ka naman?" diretso kong sabi sa kanya.

Ngayon si Jett naman yung natigilan. Hahaha. Natatawa ako sa isip ko nang biglang bumilis yung heartbeat ko. Hinawakan niya kasi yung mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Feeling ko may electricity na dumaloy sa katawan ko. Napalunok na lang ako.

"Wala ka ba talagang gusto sa kaibigan ko?"

Tumango ako. "I like him as a friend."

Hinawakan niya ng tuluyan yung kamay ko tsaka ngumiti. Wala na rin yung iritableng side niya. "Don't like any other guys, okay? Okay na sa akin na si Mr. Darcy lang ang karibal ko." biglang sabi ni Jett na kinagulat ko.

Okayyy? What was that supposed to mean?

•••••

:)

Letters for CaliOnde histórias criam vida. Descubra agora