19

4 2 0
                                    

CALI

Pagkapasok ko pa lang sa Periodical section ng library, napansin ko kaagad si Jett na nakaupo sa sahig at nakasandal sa shelf. His eyes were closed; he seemed to be in deep slumber.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan siya. Bakit ganun? Para siyang anghel na natutulog. The question is, if angels were allowed to be this sinfully gorgeous.

Napansin kong biglang nalaglag yung isang side ng earphone na suot niya. Kinuha ko yun at sinuot sa tainga ko. Napangiti ako nang marinig ko ang Pachelbel's Canon in D major - isa sa mga classical music na alam ko.

Napatingin ulit ako sa mukha niya. Nangangalumata siya. Mukha siyang pagod at stressed out. Kaya siguro nakatulog siya dito, given na sandali lang naman akong nawala.

I caressed his cheek absentmindedly.

Nabanggit sa akin ni Kelsey na pini-pressure daw si Jett ng adviser nito para manalo sa Best Thesis Award kaya sobrang busy at stressed nito. Aside from that, sobrang dami rin daw ng inaasikaso ni Jett para sa organization nito dahil malapit na rin ang Science Week.

Minsan tuloy nagtataka ako kung bakit niya pa pinipilit isiksik yung pagiging student assistant niya sa sobrang busy ng schedule niya para lang mapatunayan sa mga kaibigan niya na wala siyang allergy sa mga babae. Like seriously? Ganun ba talaga kahalaga yung pride niya? But I can't deny the fact na masaya akong nakakasama ko siya.

Jett is like a good book. Hindi ko kayang ibaba or tigilan. Pero ayoko rin namang matapos agad. Just like my favorite books, he aroused different kinds of emotion in me. Pinapatawa,pinapahanga, ginugulat, at minsan naman iniinis niya ako.

Kapag kasama ko siya, yung feeling ko is yung scenario ng umuulan at nilalamig ako sa kama habang hawak yung favorite kong libro at may mainit na coffee sa gilid. In short, Fuzzy, Warm and Comfortable.

Or perhaps, even better than that. Ganun ko siya kagusto.

"Cali?"

Nagulat ako nang marinig ko yung boses ni Jett. Gising na pala siya. And the worst part was, I still had my right hand on his cheek.

SHIT! KILL. ME. NOW!

Mabilis kong inalis yung kamay ko at lumayo sa kanya. Bigla ko na lang kinuha yung file system na tapos ko na i organize at sabay sabay ko iyong binuhat. Umakyat ako sa metal ladder na ginagamit namin para maabot yung top shelves at akmang ibabalik yung hawak ko sa lagayan. Pero dahil nga wala ako sa sarili kong katinuan, nagkamali ako ng tapak sa hagdan at nawalan ng balanse.

"Brielle!"


°°°


"What were you thinking, Brielle? You could have been killed! What if napasama yung bagsak mo? Paano kung nabagok yung ulo mo?"

"You know what? Nahawa ka na sa pagiging exaggerated ko. Relax, okay? You see, I'm alive and kicking. Kung hindi mo naitatanong, may sa pusa yata ako." biro ko kay Jett pagkalabas ng nurse na tumingin sakin. Pagkahulog ko kasi, ang lakas ng lagapak sa sahig. Dahil sa kaengotan ko. To the rescue naman agad si Jett. Binuhat ako agad papunta dito sa clinic. Bukod sa ilang pasa, so far, wala naman ng ibang natamong pinsala.

"Bakit ba kasi hindi ka marunong mag-ingat? Alam mo namang mabigat yung file system, pinagsabay-sabay mo pa. At ano ba yung naisipan mo at pinakialaman mong buhatin yun? That's my job, not yours!" nanggigil na sigaw ni Jett.

I just rolled my eyes. Did he really have to ask me that? Obvious naman na kaya ko nagawa yun dahil gusto kong pagtakpan yung pagkapahiya ko nang mahuli niya akong nakahawak sa pisngi niya.

Tila pagod na umupo si Jett sa gilid ng kama na kinahihigaan ko tsaka niya hinilot yung sentido niya. "Pinasasakit mo yung ulo ko, Brielle."

Napasimangot ako sa kanya. "Sinabi ko bang mag react ka ng ganyan? Okay na nga diba? Bakit ba asar na asar ka pa din? Hindi mo na kailangan ipagdiinan yung pagiging stupid ko. Alam ko na yun." napipikon na sabi ko.

"I can't help it, okay? Alam mo ba yung naramdaman ko nung makita kitang nahulog sa hagdan? You don't know how worried I am. Kaya, can you blame me for being exaggerated right now? I was so damn worried about you Brielle, for goodness sake!"

Natigilan ako sa sinabi niya. "You...you're worried about me?" halos nakanganga kong tanong sa kanya.

He let out an exasperated sigh. "Ano pa ba sa akala mo? Of course, I was worried about you! Why else would I be angry?"

In a span of a second, parang nawala yung pagkainis ko dahil sa panenermon niya sakin. Before I knew it. A big smile was form in my lips. A smile that became a huge grin.

"What?" bad mood pa rin na tanong ni Jett.

Lalo pang lumapad yung pagkakangiti ko. Hahaha. Kung ito yung paraan niya para maipakita na nag-aalala siya sakin, okay lang siguro kahit sungitan niya pa ko araw-araw. "Sige pa, pagalitan mo pa ko."

I was so shocked when he suddenly pulled me and enveloped me in a tight hug.

"Don't make me worry like that again, okay? Sige ka, baka magka heart attack ako dahil sa pag-aalala sayo." malambing na sabi niya.

Bakit ganun? Parang ako yata yung magkaka heart attack dahil kilig.

•••••

how was this chapter?
you can comment your thoughts :)

Letters for CaliWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu