Chapter 15 (last chapter)

23 3 0
                                    

SUNGMIN's POV

"Okay. Just let me know if it is delivered. Bye." Tinapos ko ang tawag.

Tatalikod na sana ako ng may maapakan ako. Na-out of balance ako at napaupo sa sahig. Shit! Ang sakit ng pwet ko! Tinignan ko ang naapakan ko at nakitang hindi maipinta ang mukha ni Kyuhyun sa sahig. Hawak nya ang paa na naapakan ko.

"You, okay? Bakit kasi nandyan ka?" I offered him my right hand para tulungan syang makatayo. Tinanggap nya ito.

"Hinahanap ko yong paki ko." Binitawan ko ang kamay nya. Napaupo ulit sya sa sahig at hinimas ang kanyang pwet. "Kuya naman! What was that?!"

"Paki ko." At umalis na ako sa harap nya. Tinatanong nang maayos, sasagutin ka ng pabalang.

VIEL's POV

Nasa harap ako ngayon ng puntod ng ama ni Sungmin. Tahimik at wala masyadong taong bumibisita sa paligid.

Three months na ang nakakaraan mula ng mamatay si Mr. Lee dahil sa pagkakasaksak sa kanya ni Mel. He saved me. I was struggling noong inutos sa akin ni Mel na magbigti ako. Pinipilit kong iangat ang sarili ko noon pero nawawalan na ako ng lakas dahil sa hirap sa paghinga. Hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Paggising ko, nasa ospital na ako. Umiyak ako nang makita si mommy sa tabi ko. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Takot ako dahil sa nangyari sa akin. Akala ko ay mamamatay na ako. Akala ko hindi ko na makakasama pa si mommy. Tanging iyak lamang namin ang maririnig sa buong kwarto noon.

Ilang linggo akong nanatili sa ospital. Gusto ni mommy na masiguro na okay na ako at hindi ako na-trauma sa nangyari.

Paglabas ko sa ospital, naabutan namin ni mommy na nag-aantay sa parking lot si Sungmin. May konting galos sya sa mukha at naka-cast ang kaliwang kamay. Sinundan pala kami ni Sungmin noong kunin ako ni Mel. Pero hindi nya kami nahabol dahil bigla syang binangga ng kotse ng tauhan ni Mel.

Last week, nahuli na si Mel. She was hiding in Leyte.

Nilingon ko si Sungmin na katabi kong nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang ama. Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Let's go?"

Tumango ako at sumakay kami sa kotse nya.

"Saan tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko sa kanya nang mapansin na iba ang dinaraanan namin. Akala ko kasi sa Hallyu Empire kami pupunta dahil may meeting sila.

"Secret! You'll see." Pa-cute nyang sabi.

Napangiti ako sa ginawa nya. Lately, may mga gesture sya na nagpapacute at nagpapakilig sa akin. Kaya mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. He's a gentleman. Halos lahat ng ganap sa buhay ko ngayon, nandyan sya. Inaalalayan ako. Inaalagaan ako. Pero kahit minsan, wala syang nababanggit na may gusto sya sa akin. Hay. Mukhang nakatagpo yata ako ng one-sided love.

Pagdating namin sa lugar, bumaba ako ng kotse at nilibot ang paningin. Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita. Totoo ba to?!

Ang maliit kong bahay dati na sira-sira ang gate at kupas na pintura ng bahay, ngayon ay napakaganda! Para itong naging mini castle at kulay pink pa! Sobrang ganda!

Napakislot ako nang maramdaman ko ang kamay ni Sungmin sa aking baywang. "Let's go inside. Mas maganda sa loob." Kumindat sya sa akin. Pinamulahan ako sa kindat nya.

Inalalayan nya ako papasok ng bahay. Nakikiliti ako sa kamay nyang nasa baywang ko. Sa mga ganitong gesture nya, hindi ko talaga maiwasan na kiligin at mag-assume minsan.

Pagpasok namin sa loob, napanganga na naman ako. Pinalibot ko ang aking mata sa paligid. Wow! Lahat ng collections ko na halos pink ay nakadisplay at may mga nadagdag pa. Pinaghalong violet at pink ang kulay ng buong bahay. Para itong naging barbie house.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Where stories live. Discover now