Chapter 14

12 1 0
                                    

Riza/Viel's POV

"Yel, slow down! Baka maaksidente tayo!" Narinig kong sabi ng isang babae na sa tingin ko ay si Mel.

"He's breaking up with me! I love him so much, Ate. Hindi ko kayang makita sya na may kasamang iba." Umiiyak na sabi ni Ate Yel habang nagmamaneho. Kuha sa loob ng kotse ang video. "You know how much I love him! Na kahit ang mapabilang sa mga collections nya, ginawa ko! Mahal na mahal ko sya!"

Awang-awa ako sa nakikita kong expression ni Ate Yel kung gaano nya kamahal si Sungmin.

"I know, Yel. But please! Calm down. Mapapahamak tayo sa ginagawa mo." Sabi ni Mel habang nag-aalala at natatakot para sa kanyang kapatid. Halos hindi sya mapakali para lang mapakalma si Ate Yel.

Nakita kong ngumisi si Ate Yel. "Kapag sinuswerte ka nga naman."

May narinig akong ingay mula sa labas ng kotse na parang may nasagasaan.

"Oh God!" Natutop ni Mel ang bibig sa gulat.

Muling pinaandar ni Ate Yel ang kotse.

"Y-yel! Oh God! W-what have you d-done?! Bumalik tayo doon! Baka may nangyaring masama sa babae!" Hindi makapaniwalang sabi ni Mel.

"Don't bother, Ate. She deserved it."

"W-what?!"

"Because she's the girl I saw at the coffee shop with Sungmin! Damn it! That's the first time I saw Sungmin how happy he is with a girl. Kahit kailan, hindi ko sya nakitaan na ganoon tumingin sa akin. I know he loves me but not that much." Umiiyak na namang sabi ni Ate Yel.

Bigla kong naalala na magkasama kami ni Sungmin sa coffee shop. Teka. Ako ba ang tinutukoy nya? Bigla akong nakaramdam ng konsensya at awa. Kung ako nga ang tinutukoy nya, parang gusto kong sisihin ang aking sarili dahil sa mga nangyayari sa buhay namin lalo na kay Ate Yel. Sana hindi sya nasasaktan ng ganito. Sana buhay pa sya. Sana nakasama ko pa sya at nakahingi ako ng tawad.

Pero paano ko gagawin na iwasan si Sungmin? Iniisip ko palang, hindi ko na kaya. May nararamdaman na ako sa kanya. Dapat sa una palang, iniwasan ko na si Sungmin. Napamahal na sa akin si Sungmin. Kahit na nagawang kidnapin ako ng kanyang ama, pinapakita nyang mabuti ang intention nya sa akin. Hindi ko sya nakakitaan ng masamang balak laban sa akin.

Nakita kong nanlaki ang mga singkit na mata ni Mel nang marinig ang sinabi ni Ate Yel. Nang biglang may nakakasilaw na liwanag mula sa kabilang parte ng kalsada. Pinihit ni Ate Yel ang manibela sa kaliwang bahagi ng kalsada upang maiwasan sana ang makakasalubong na sasakyan ngunit di nya napansin ang abandonadong gusali.

"Now, how's the show?" Pagtataray na sabi ni Mel. Bakas sa kanyang mukha ang sakit at galit.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Alam mo ba kung ano ang mga pinagdaanan naming magkapatid, ha?!" Sigaw nya malapit sa aking tenga. Hinila nya ang buhok ko dahilan para mapaaray ako sa sakit. "Wala kang alam! Sinira mo ang oras na dapat ay magkasama pa kami! Yel deserve to be happy. Matagal kaming nawalay sa isa't isa dahil pareho kaming pinaampon sa ibang pamilya. Gumawa ako ng paraan para mahanap sya. She's the only family that I have after our parents died. And you ruined our lives!"

Malakas nya akong sinampal. Naramdaman ko ang pangangapal ng aking pisngi. Tahimik akong umiyak. Hindi ko alam. Bakit kailangan mangyari ito sa amin? Everything. It's my fault. Ako dapat ang sisihin kung bakit namatay si Ate Yel. Kung bakit hindi nakasama ng matagal ni Mel ang kakambal nya. Kung bakit naghiwalay si Sungmin at Yel. Lahat ng ito, kasalanan ko.

"I'm s-sorry." Umiiyak kong sabi. "I'm really sorry."

"Sorry? You think I'll forgive you? That's bullshit!" Hinila nya ako patayo at dinala sa terrace ng abandonadong factory.

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon