Chapter 10

104 3 9
                                    

RIZA's POV

Kanina pa kami nakatingin sa di mapakaling si Miss Jaena. Mukha syang problemado. Di ko alam kung bakit pero noong galing ako sa kusina, narinig ko nalang na sumigaw sya. Akala ko may nangyari ng masama sa kanya.

Nang tanungin ko si Jade, sabi nya nagkafracture sa paa ang model ni Miss Jaena para sa fashion show. Next week na yon kaya nagagahol sya kung sino ang ipapalit na modelo.

Naaawa ako para sa kanya dahil ilang araw din syang puyat. Di biro ang paghihirap nya para gawin ang fashion show na yon. Minsan di sya uuwi dito sa bahay nya para lang masigurong okay ang lahat sa venue kaya sobrang pagod na sya pag-uwi.

Pwede naman siguro sya makahanap ng bagong modelo di ba? Di rin naman kasi maiiwasan ang mga ganoong aksidente.

"Jade, balik na ako sa kusina. Baka luto na yong sinaing ko." Paalam ko kay Jade. Naglilinis kasi sya sa sala at ang daming nakakalat na papel sa sahig.

"Sige."

Naghuhugas ako ng plato ng pumasok sa kusina si Miss Jaena. Kumuha sya ng tubig sa ref at bumuntong hininga.

"Miss Jaena, gusto nyo po bang gawan ko kayo ng merienda?" Kailangan nyang kumain dahil konti lang ang kinain nya kaninang tanghali.

"Yes, please." Umupo sya sa malapit na counter table at nangalumbaba. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Naloloka na ako! Saang lupalop na naman kaya ng pilipinas ako hahanap ng ipapalit ko sa kanya?"

Nilapag ko sa mesa ang merienda nya. "Thanks, Riza." Ngumiti ako sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa kusina habang kumakain si Miss Jaena. Hindi naman masyadong makalat sa bahay si Miss Jaena kaya hindi mahirap ang trabaho dito at sobrang bait pa nya kaya wala akong balak umalis sa trabaho ko kahit bumalik na ang alaala ko.

Tinanong ko si tatay kung kilala nya ang tunay ko magulang pero hindi nya ito kilala. Ang alam lang nya ay kakompetensya sa negosyo ni Mr. Lee ang mga magulang ko. Kung sino man ang Mr. Lee na yan, sinusumpa kong magbabayad sya ng malaki.

Bigla kong naalala ang batang lalaki na kasama noon ni Mr. Lee. Ang cute nya. Medyo chubby sya. Akala ko kinidnap din sya katulad ko pero nagtaka ako ng tawagin nya na papa si Mr. Lee.

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko si Miss Jaena. "Perfect! I think may ipapalit na akong model."

Nagtataka ko syang tinignan. Parang nagniningning ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Bakit ganito makatingin sa akin si Miss Jaena? May dumi ba ako sa mukha?

"Ah. Miss Jaena? B-bakit po?"

KYUHYUN's POV

Tumigil ako sa paglalaro nang  makaramdam ako ng gutom. Nag-unat unat muna ako dahil medyo nangalay ang mga balikat ko.

"Baby ko, kakain muna si daddy ah. I promise I'll be back." Para akong tanga na kausap ang laptop ko. Hahahaha. Anong magagawa ko? Mahal ko yong baby ko eh. Kahit minsan nagloloko.

Dumiretso ako sa mini ref na nasa kwarto ko. Naghalungkat ako kung may makakain ba ako but it looks like, wala.

"Hay. Pati ref namumulubi na rin sa pagkain." Sabay himas sa tyan ko. Nakalimutan ko pala magbilin sa maid ng stocks ko. Gutom na talaga ako.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. It's Kuya Sungmin. "Yes, Kuya?" Pasalamat sya dahil gwapo ako kaya sinagot ko ang tawag nya.

"Bro, would you mind if you'll come over here?"

"Why?"

"Papakuha ko sana sayo yong order ko sa CoffeElf. Nagugutom na kasi ako."

Tss! Gagawin pa akong utusan. Di sa tamad ako pero parang ganon na nga. Bakit di nalang nya ipadeliver? "Kuya, bakit ako pa? Pwede mo namang ipadeliver. Tsaka nag-rereview ako for finals." Malay nyo makalusot ang alibi ko.  Tinatamad kasi ako lumabas. Wahahaha. Ayokong iwan yong nilalaro ko para lang maging delivery boy nya no.

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon