Chapter 4

120 4 0
                                    

SUNGMIN's POV

How did I forgot my date with Yel? Argh! I'm such an idiot boyfriend! Babawi ako mamaya.

I'm on my way to her favorite restaurant. Siguro naiinip na sya at galit.

Nang makita ko si Riza kanina na naglalakad sa tabing kalsada, di ko maiwasang humanga sa suot nya. Its color pink! Habang kasama ko sya, feeling ko, wala akong dapat gawin kundi ang kausapin sya. Naging interesado ako sa pagiging inocent nya sa ibang bagay. Kaya nakalimutan ko ang date namin ni Yel.

Pagdating ko sa restaurant, nakita kong nakatingin sa labas si Yel. Hayyy... Nagtatampo na naman to dahil late ako.

"Sorry, I'm late." Then I kissed her cheek.

"This is the first time na late ka sa date natin. Nakakatampo tuloy." She pouted.

Pumwesto ako sa katapat nyang upuan. I held her hand. My girl is really cute when doing that. She has a beautiful eyes and red lips na natural lang.

I smiled and pinched her cute nose. "Don't pout. Masyado kang nagiging cute eh. You know that I love seeing your cute face."

"I cant help it! You made me sad kasi hindi ka on time dumating." Nakapout pa rin sya.

Nagtatampo pa rin sya. This is the right time na dapat bumawi ako sa kanya.

"We should eat first. May surprise ako sayo. Babawi ako dahil late ako." I smiled.

Nanlaki ang mata nya. "Really? Cant wait for your surprise! Waiter!" Tawag nya sa waiter.

Yel really love surprises and I wont fail to surprise her bigtime.

RIZA's POV

Babalik na ako sa trabaho sa pagiging kasambahay ni Miss Jaena. Tinext nya ako kanina na wala syang makakasama sa bahay nya. Takot syang mag-isa. Kaya minsan, di muna ako uuwi ng ilang araw at sasamahan sya. Kaya pinagsawa ko ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay ko.

Nilapitan ko ang human sized na teddy bear na malapit sa kama ko. Lumuhod ako at hinawakan ang magkabilang kamay nito.

"Pinky, aalis muna ako pansamantala ah. Batayan mo ang bahay ko. Wag kang mag-alala, babalik ako at bibilhan kita ng bagong makakasama."

Kahit ilang araw ko palang nakakatabi sa kama si Pinky, nalulungkot na ako. Hindi ko sya pwedeng dalhin sa trabaho ko eh.

Nilolock ko na ang gate nang makita ako ni Nove.

"Babalik ka na sa trabaho mo, Riza?" Malungkot na sabi nya.

Nilapitan ko sya at niyakap. "Oo eh. Pakibantayan nalang ang bahay ko ah?"

Hinawakan nya ako sa balikat at tinignan ako sa mata. "Sige. Mag-ingat ka ha?"

Tumango ako.

Mga ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang lumingon ako sa direksyon ni Nove. May naalala pala akong ibigay.

"Nove, favor naman."

"Ano yon?" Kunot noong tanong nya.

Kinuha ko sa bag ang pera na kagabi ko pa inihanda. Inabot ko iyon sa kanya.

"Anong gagawin ko dyan? Kakautang ko lang sayo ng five thousand tapos papautangin mo ulit ako? Hoy, Riza! Hindi ko na kayang bayaran yan." Pagtanggi ni Nove ng ibigay ko ang pera.

"Sira! Pambili yan ng ticket sa concert!" Pabirong hinampas ko sya sa balikat.

Nanlaki ang mata nya. "Talaga? Seryoso?! Sasama ka sa akin sa concert ng Super Junior next month? Aaaayyy!" Nagtatalon na sabi nya. Natatawa ako sa reaction nya.

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Where stories live. Discover now