Chapter 8

162 4 4
                                    

Chapter 8

RIZA’s POV

*Flashback (sa ospital)

Pagmulat ko ng aking mga mata, halos kulay puti ang aking paligid. Nasaan ako? Sa pagkakaalam ko, pabalik na ako sa bahay ni Miss Jaena galing sa grocery.

“Anak, mabuti't gising ka na. Pinag-alala mo kami ng papa at ate mo. Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?” Napalingon ako sa boses na narinig ko. Isang matandang babae, katabi ang isang lalaki na kasing edad nya lang at isang babae na sa tingin ko ay mas matanda sa akin.

Sino sila? Bakit nya ako tinawag na anak? Pamilya ko ba sila? Pamilyar sila sa akin pero di ko lang matandaan.

Nang mapatingin muli ako sa matandang lalaki na matamang nakatingin sa akin, bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi to maaari!

“Anak, okay ka lang? Namumutla ka. Rhea, tawagin mo ang doctor. Dali!” Utos ng matandang babae sa babaeng kasama nito.

Hinawakan ko ang kamay ng matandang babae. Kahit natatakot ako, kailangan kong kumalma. “O-okay lang po ako. W-wag kayong mag-alala.”

“Sigurado ka anak?”

Tumango nalang ako.

Hindi ako pwedeng magkamali. Naaalala ko na ang lahat! Sila ang dahilan kung bakit wala akong maalala simula noong bata pa ako. Dahil silang tatlo ang may kasalanan nito! Gusto ko ilabas ang galit ko sa kanila pero di ko kaya. Mahina pa ako. Baka may masama silang gawin sa akin. Kailangan ko munang malaman kung bakit nila ako kinidnap at anong dahilan nila sa panloloko sa akin sa mahabang panahon.

*End of flashback

Ilang araw din ang tinagal ko sa ospital na kasama sila. Pakiramdam ko, nasa kulungan ako. Pagkatapos maayos nila nanay ang lahat ng kailangan sa ospital, umalis na kami. Siniguro nilang bago sila bumalik sa province ay okay na ako. Hindi ako mapakali kapag nandyan sila sa paligid ko lalo na ngayong bumalik na ang alaala ko.

“Riza, okay ka lang? Masama pa rin ba pakiramdam mo? Naku! Sorry kung napasabak ka kaagad sa trabaho ah.” Nag-aalalang sabi ni Miss Jaena. Nasa kotse kami ngayon papunta sa venue ng fashion show na gaganapin sa August.

“Okay lang po ako.” Ngumiti ako para hindi na sya mag-alala. Maya't maya tinatanong nya ako kung okay lang ako lalo na kapag nahuhuli nya akong malalim ang iniisip.

Sobrang busy ngayon ni Miss Jaena kaya ayokong pati ako inaalala nya pa. Pagdating namin sa venue, sobrang napahanga ako. Lahat ng tao ay may kanya kanyang ginagawa. Sinisiguradong magiging maayos ang paparating na event. Siguradong magiging maganda ang kalalabasan ng event na ito.

“Hi Miss! Model ka din ba? Kasama ka ba namin sa fashion show?” Bigla akong hinarang ng tatlong lalaki. Inabot nya sa akin ang kamay nya pero di ko yon tinanggap.

“I hope makasama kita sa catwalk. I’m sure magiging maganda ang show.” Sabi naman ng isang lalaki na sa tingin ko ay half british.

“Ikaw ba ang magsusuot ng design ni Miss Jaena this year? I think it suits you. You’re cute.” Sabi naman ng isang lalaki na half japanese.

“Ah. Ano kasi...” Napapakamot nalang ako sa ulo ko.

Malaki ang lugar na ito kaya mahihirapan akong makita si Miss Jaena. Di ko na nasundan si Miss Jaena dahil hinarang ako ng tatlong lalaki.

“Riza! Nandito ka lang pala.” Tawag sa akin ni Miss Jaena. Lumapit sya sa kinaroroonan namin. “Hello boys! Nandito din pala kayo?”

“Hi Miss, Jaena!” Napapakamot sa ulo na bati nila kay Miss Jaena.

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Where stories live. Discover now