Chapter 11

48 2 0
                                    

RIZA's POV

"Anong po bang pag-uusapan natin?" Magalang kong tanong pagkaupo namin. Hindi ako pwedeng tumagal dahil kailangan ko pang pumunta sa boutique ni Miss Jaena. Inutusan nya akong bumili ng yogurt.

Hindi ko sya kilala pero parang familiar sya sa akin.

Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "I want you to listen very carefully, hija. I'm doing this for everybody who's involved in my mess."

Kunot noo ko syang tinignan. Hindi ko alam kung anong sinasabi nya. Pero kung ano man ang patutunguhan ng usapan namin, pakiramdam ko, di ko magugustuhan. At natatakot ako.

Umubo sya bago nagsalita. " I admit, I'm not a perfect father. Lahat ng paraan ay gagawin ko para sa anak ko kahit pa labag sa batas. Lahat lahat. Basta maibigay ko lang ang gusto ng anak ko." Simula nya. Umubo sya gamit ang kanyang panyo. Tumabi ako sa kanya at hinimas ang likod nya para kahit papaano guminhawa ang pakiramdam nya. Hirap din sya sa pagsasalita.

"I owned a company at kakompetensya ko ang VYS company. I always keep my guard para di mawala ang pinaghirapan ko. Iniisip ko na ang future ng aking anak habang sya'y lumalaki. Simple lang naman ang gusto ng mga magulang para sa kanilang anak, ang mapabuti ito. Lumalaking walang kaibigan ang anak ko dahil sa issue namin ng mommy nya. Kaya naisipan kong hanapan ng magiging kaibigan ang anak ko at para bumagsak si Thomas Kim, owner of VYS company. At nagkataon din na lulong ako sa drugs noon."

Patuloy lang akong nakikinig sa kanya kahit di ko alam kung anong patutunguhan nito. Wala namang masamang makinig di ba. Tsaka mukha naman syang mabait pero sa kabilang banda, may takot at galit akong nararamdaman. Ewan ko ba.

Hinawakan nya ang kamay ko na nasa mesa at tinignan ako ng nagmamakaawa nyang ekspresyon.

"Hija... I'm really sorry. I really am. I didnt mean to hurt you. Please forgive me. Please... I'm really really sorry." Humahagulgol nyang sabi. Mas lalong kumunot ang noo ko sa mga sinabi nya. Di ko maintindihan kung bakit sya humihingi ng tawad.

"Pasensya na ho kayo. Pero wala po talaga akong idea kung bakit po kayo humihingi sa akin ng tawad. Mukha naman po kayong mabait kaya imposible po na magkaaway tayo. Ngayon ko lang din po kasi kayo nakita."

Napabuntong hininga sya. "Hindi mo ba talaga ako matandaan, hija?" Umiling ako sa tanong nya. "Ako si Andrei Lee. Mas kilala ako bilang Mr. Lee."

Napamulagat ako sa sinabi nya. Hindi to maaari. Sya?! Sya si Mr. Lee?!

Bigla akong kinabahan. Hinila ko ang kamay ko na hinawakan nya. Anong kailangan nya? Bumalik ba sya para kidnapin ulit ako? Papatayin nya ba ako? Pero wala talaga akong ideya na sya si Mr. Lee!

Malabo ang naaalala kong itsura ni Mr. Lee dahil siguro sa sobrang bata ko pa noon. Madalas ay nakatalikod sya sa akin kapag kausap nya si tatay sa labas ng bahay. Kaya walang pagkakataon na makita ko syang ng malapitan.

Tumayo ako at aalis na sana ng bigla nya akong hawakan sa kamay. Gusto kong makalayo sa kanya.

"Please, hija. Just stay here. Wala akong gagawing masama. Mag-uusap lang tayo. Alam kong takot ka pa rin sa nangyari pero pinapangako ko sayo, aayusin ko ang lahat. Tutulungan kita. Pakinggan mo muna ako. Please." Nagmamakaawa nyang sabi.

Nakikita ko sa mga mata nya na sincere sya sa sinasabi nya pero natatakot ako. Paano nya nalaman kung saan ako? May koneksyon pa rin ba sila ni tatay?

"Last month, I just found out that I have a lung cancer and I only have few months to live in this world. Marami pa akong gustong gawin at ayusin pero alam kong hanggang dito nalang. Kaya habang may oras pa ako, gusto kong maayos ang problemang ginawa ko. Lalo na sayo, Hija." Umiiyak nyang sabi. "I'm really sorry for everything I've done. Hindi ako bumalik dito para guluhin ang buhay mo kundi tulungan kang bumalik sa tunay mong magulang. Even if it takes forever for you to forgive me, hayaan mo akong ibalik kita sa tunay mong pamilya. Ito lang ang paraan na alam ko para ayusin lahat. Hindi kita minamadali para mapatawad ako dahil alam ko kung gaano kita nasaktan. I'm really sorry."

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon