Chapter 7

16 0 0
                                    

Lutang akong nakatulala sa salamin sa aking silid at pilit na binabalikan ang mga naganap kahapon sa condo ni kuya Collin. Matapos ang umagahan naming kahapon ay hindi na talaga ako masyadong nagsalita dahil sobra talaga akong na-awkward sakanya. Akalain mong sya pala ang nagtitimpla ng gatas ko tuwing umaga.

Dahil sa pagiging awkward ko ay hindi ko sya matignan ng diresto sa tuwing magkikita kami. At hindi ko ba nabanggit sainyo na sa kasamaang palad ay katapat ko ang kwarto ni kuya Collin? Hay.

Pupunta ngayon ang mga pinsan nila na naging ka-close ko na rin at tinuring na pinsan kahit hindi ko naman sila kaano-ano.

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo para mawala sa isip ko ang pag-iisip kay kuya Collin na hindi naman nakakabuti sakin.

Agad akong naglinis ng katawan at nagpalit ng oversized shirt at cotton shorts. Ipinusod ko ang aking buhok at ginawang messy bun. Dito lamang naman kami sa bahay maghahang-out.

Usually ang bonding namin ay Netflix & Chill lamang sa entertainment room, para syang pajama party pero hindi kami naka pajama. Pinapatay namin lahat ng ilaw at LED strip lights lang ang aming binubuksan, ang paged-decide kung anong kulay ay kung saan ang may pinakamaraming boto. Naglalaro rin kami ng color game, iyong nasa cellphone ba. Maganda ang laro naming iyon pagkat ang pinakamababang taya ay isang libo. Minsan ng nanalo si Jien doon ng kotse sapagkat sya ang Bangka nuon at ang tinaya ni Cloud ay ang kanyang Montero Sport. Sobrang saya naman ni Jien noon, at sobra ang panghihinayang ni Cloud sa Montero Sport nya. Aniya ay hinding hindi na nya itataya ang kanyang mga kotse.

Kaya sa mga ganitong bonding naming ay napakasaya ko, luckily ay wala pa namang masyadong natatalo sakin ang pinakamahal na ay ng chanel kong bag. Kung minsan rin ay nagkakanya kanya kami, mga babae at mga lalaki. Ang mga lalaki ay naglalaro lamang duon sa PS4 sa entertainment room samantalang kami namang mga babae ay iba't ibang card games na may kasamang pustahan.

Nang matapos ang pag-aayos ko ay may kumatok sa pintuan. Marahil ay si Jien iyon na dinaanan ako. Ngiting-ngiti kong binuksan iyon at ganon na lamang pagkalaglag ng panga ko ng makitang si kuya Collin iyon. Wtf? Kung kelan ko iniiwasan duon naman susulpot. Nakatulala lamang ako sakanya at binigyan naman nya ako ng nagtatakang tingin.

Nahimasmasan naman agad ako at tumingin muli sakanya.

"What?" I asked as if hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito.

"Are you not gonna go in the entertainment room?" tila naiinis nyang sambit.

Hay nako, problema din nito eh, bilis mainis.

"Pupunta. Pero nasan si Jien?" tanong kong muli.

"Si Jien nanaman." Pabulong nyang aniya bagamat narinig ko pa rin.

"What did you just say?" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang aking lakas ng loob sa pagsagot sakanya ng ganon na parang nang-uuyam.

"Nothing. Let's go." Pinangunahan nya na ang paglalakad.

Wala naman akong nagawa at sumunod na lamang sakanya. Ang entertainment room ay nasa 3rd Floor. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang matipunong likod ni kuya Collin. At habang pinagmamasdan ko iyon ay bumabalik sa aking isipan iyong likod nya kahapon na hindi natatakpan ng kahit na ano. Marahan syang lumingon kaya't agad akong nag iwas ng tingin.

Pagkarating naming doon ay namataan ko na agad silang nagke-kwentuhan. Masaya ito sapagkat kumpleto kami ngayon. Narito ang magkakapatid na Michiko, Laine, at Cloud, magkapatid na sina Yumi at ate Yna. At syempre ako, si ate Louisse, ate Erin, Jien, kuya Eric at kuya Collin.

Agad kaming nagbatian. Sa bonding naming ganito ay hindi kami mahilig magpahanda ng pagkain sa mga katulong, kundi lagi kaming nagr-grab. Nagpadeliver agad si ate Yna ng mga paborito namin na pizza sa Yellow Cab, milktea sa Macau Imperial Tea para sa aming mga babae at sa Teacarus naman para sa mga lalaki. Ewan ko ba at mas gusto nila sa teacarus. Hindi rin mawawala ang paboritong spicy chicken nila Jien at kuya Eric sa Mcdo syempre kami din kaya tatlong bucket iyon. At hindi mawawala ang assorted flavor ng fries sa Potato Corner.

Dalta Series #1: Depth of his EyesWhere stories live. Discover now