Chapter 11

9 0 0
                                    

My mind is in chaos, and my heart is fluttering nonstop. Akala ko sa mga pelikula at mga libro lamang ang sinasabi nilang, "butterflies in your stomach". Sa tanang buhay ko, hindi ko inaakalang mararanasan ko iyon. 


At ang dahilan nito, ay walang iba kundi si.. 


Collin Rodriguez. 


Mahirap tanggapin. Mahirap isipin na ang isang tulad nya ay magkakagusto sa akin. At nang sabihin nya pa na ako ang gusto nyang maging girlfriend, hindi mapaglagyan ang saya sa puso ko. Ngayon na nararamdaman ko ito, Infatuation nga lang ba talaga ang meron ako para sa kanya? O mas malalim na? 


Paano si Marinel? Ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa? Ang buong akala ko ay mayroon silang relasyon, dahil tinanong ko naman noon si kuya Collin pero hindi nya naman sinagot. 


Silence means yes. Kaya I concluded na baka they want their relationship private. But then, hindi rin naman sya um-oo. Am I dumb to assume na they are in a relationship? Probably not. Kase hindi nya rin naman ako sinagot ng maayos no'ng tinanong ko siya. 


Now that I know the truth, what should I do? 


Dapat ko ba syang komprontahin? At kuwestiyunin kung saang lupalop ng mundo nya nakuha ang pagkagusto  nya sakin? O ituloy na lang ang plano kong pag-iwas? Wala namang mawawala sakin eh, at baka makatulong din ako sa kanya. He will realize na, hindi naman malalim ang pagkakagusto nya sakin. 


Sa isiping ganoon ay parang nalulungkot ako. 


"Xien?" tawag ni Mommy. 


Agad akong natauhan sa malalim na pag-iisip at tinignan sya. She's probably wondering why I was staring at the ceiling intently. 


"Are you okay? Kanina ka pa nakatulala dyan." 


"I'm fine My. I guess I'm just tired sa biyahe." I said. 


"Okay, well, you can go to your room upstairs to rest. Let's just continue our chitchat later." She smiled at me warmly. 


I nodded and kissed my Mom sa cheeks. 


"Talk to you later My, love you!" 


"Love you more, anak!" 


Umakyat na ako sa second floor ng mansion at pumunta sa kwarto ko dito. Padapa akong humiga sa kama pagkatapos. This is heaven.  Na-miss ko talaga ang kama ko dito, so comfy. 


Now that I am all alone, I can't think properly kung ano na ang gagawin ko. 


Tawagan ko kaya sya ngayon? Nah. Ano naman sasabihin mo?


Umuwi sa bahay at personal syang kausapin? Baka nakauwi na ang mga kapatid ko at marinig pa nila ang usapan. 

Dalta Series #1: Depth of his EyesOnde histórias criam vida. Descubra agora