Chapter 3

26 2 0
                                    

Maaga akong nagising no'ng sumunod na araw. Maaga din akong naihatid ni Mang Ruben sa school kaya nagtungo muna ako sa library (ang dakilang tambayan ko) upang magbasa basa at magkaroon ng katahimikan.


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naganap na interaksyon sa amin ni kuya Collin kahapon. Sa tanang buhay ko ay yo'n na ang pinakamatagal naming interaksyon. Alam ko sa sarili ko kung bakit sa lahat ng step-siblings ko ay ilag ako sakanya. Dahil yo'n sa aura nya, hindi ko matukoy kung bakit, pero naalala ko pa ang unang pagkikita naming nuong senior highschool pa lamang ako.


Nag-aayos ako ngayon sa aking silid pagkat ilang sandal na lamang ay dadating na sila Tita Liza at ang mga steb-siblings ko. Lilipat na sila dito sa bahay naming ni Papa. Matapos ang annulment ni Papa at Mama isang buwan na ang nakaraan ay napagpasyahan ni Papa na palipatin na dito ang Stepmom ko. Bumalik naman si Mama sa mansion namin sa Cavite.


Matagal ko ng kilala si Tita Liza at ang mga step-siblings ko, ang totoo nyan ay napakabait nya sakin. Una kong nakilala sa mga anak nya ay sina ate Louisse at kuya Jien, na agad kong naging ka close ganoon rink ay kuya Eric.


May kumatok sa aking silid, binuksan ko iyo at agad nakita si Papa.


"Anak, paparating na sila. Halika na at salubungin natin sila." Wika ni Papa.


Tumango lamang ako sakanya at agad sumunod sa baba.


Nang dumating sila ay agad akong niyakap ni Tita Liza.


"Welcome po Tita." Masayang sambit ko.


"Thank you nak!" balik-bati nya sakin.


Agad ko ring nakita si ate Louisse na malaki ang ngiti.


"Xiraaaa! My sis!"


"Ateeeeee!" sabay naming ani.


Mahigpit nya rin akong hinagkan at hinalikan sa pisngi. Niyakap naman ako ni kuya Jien, ang crush kong sobrang pogi. Ganoon rin si kuya Eric. Marahang beso lang naman ang ibinigay sakin ni ate Erin.


Habang nakikipag-usap kay ate Louisse ay pumasok ang isang lalaking tatalunin si Adonis sa kagwapuhan, pointed nose, thick eyebrows, kissable lips. Napalunok ako at binigyan sila ng nagtatakang tingin.


"Oh Xira, oo nga pala. I forgot to introduce you to my third child Collin. Lagi kase syang wala tuwing nagkikita-kita tayo." Sambit ni Tita Liza.


Nalaglag ang panga ko sa winika ni tita, step-brother ko sya? Ang galeng. Muli ko syang sinulyapan at nakita ko syang matiim na nakatitig sakin. Walang emosyon ang kaniyang mga muka, malamig ang dating ng kanyang mga titig. Wari'y matutunaw ka sa binibigay nyang mga titig.


Agad akong nakaramdam ng kaba sakanya.


I don't understand what I'm feeling right now. He looks snob. Not approachable. Arrogant. I suddenly felt distant. Unlike kuya Jien and Eric, he looks 'so not friendly'. Mahahawigan mo sakanyang muka ang pagiging isang badboy, or pwede ring playboy. Halatang nagpapaiyak ng babae.

Dalta Series #1: Depth of his EyesWhere stories live. Discover now