Chapter 4

27 0 0
                                    

Nang mag-umaga, bago pumasok ay nagtungo ako sa kwarto ni Papa upang kausapin sya. Kumatok ako sa silid nila ni tita Liza. Bumukas iyon at sumalubong sakin si Papa.

"Oh Xira, good morning. You need anything?" tanong nya.

"Good Morning Pa. I just want to ask you about something."

"Okay, we'll talk in my office."

Tumango ako at iginiya ako ni Papa papasok sa opisina ng mansion. Naupo sya sakaniyang swivel chair. Iminwestra nya sa akin ang upun sa harap, umupo naman agad ako duon. Kinakabahan ako sa sasabihin ko kay Papa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya.

"Uhm..Pa." kinakabahang ani ko.

"Yeah, what's wrong Xira?"

"Uh..I just want to ask kung ganoon ba talaga ka-busy si mang Ruben para hindi ako masundo sa school?"

Natawa naman bahagya si Papa.

"Unfortunately, yes. That's why I asked Collin to pick you up." Ani Papa.

"But why not kuya Jien?" marahil ay nahalata ni Papa ang pagkataranta sa boses ko.

"Why not him then?" balik na tanong ni papa.

"Actually Pa, why don't you just let me use my car? Niregaluhan mo ako ng sasakyan tapos hindi mo naman ipapagamit sakin." Nagtatampong wika ko.

"At alam mo ring gusto lang kitang laging ligtas."

"And I can always drive safely."

"Whatever you say. Basta, I'll send Collin to pick you up when Ruben is not around."

Masasabi kong hindi magpapatalo sakin si Papa sa argumentong ito kaya ako na lamang ang nagpatalo at hinayaan na lamang sya sa gusto. Hindi naman siguro araw-araw akong susunduin ni kuya Collin hindi ba? Hindi naman laging busy si mang ruben. Yo'n na lamang ang inilagay ko sa aking isipan nang mag umagahan. Matapos iyon ay lumabas na ako, naabutan ko si kuya Jien na papasakay na sana sa sa kanyang sasakyan ng mamataan ako.

"Good Morning sis!" sigaw nya ng nakangiti.

Napangiwi naman ako sa tinawag nya sakin. Kumaway din ako pabalik sakanya.

"Papasok ka na ba?" tanong niya.

Tumango naman ako sakanya.

"Sumabay ka na sakin, papasok na rin ako."

Masayang tumango muli ako sakanya. Syempre, ikaw ba naman isabay ng crush mo ewan ko lang kung di ka matuwa. Lumapit na ako sa may kotse nya ng mamataang papunta na rin sa garahe si kuya Collin. Napatulala naman ako sakanya dahil nakasuot nanaman sya no'ng unipormeng pang seaman. Kita mo ang kaniyang kakisigan kapag suot nya ito, at hindi mo talaga maitatangging napaka gwapo nya. Nakita ko siyang sulyapan kami ni kuya Jien.

"No Jien. Sakin sya sasabay." Ani kuya Collin.

Gulat naman akong napabaling sakanya. Ano daw? Bakit?

"No! bakit ako sasabay sayo?" natataranta kong sabi.

"Because Tito said so. Kaya sakin sya sasabay."

Ugh, utos nga pala iyon ni Papa.

"No kuya Collin, kay luya Jien na lang ako sasabay. Ayokong makaabala sayo."

"Ako na kase kuya." Natatawang ani kuya Jien.

Agad na akong sumakay sa sasakyan ni kuya Jien. Pagkasakay ni kuya Jien ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan. Nasulyapan ko naman sa bintana si kuya Collin na pinanood na lamang ang aming pag-alis. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hidni ako makapaniwalang susundin talaga ni kuya Collin ang mga utos ni Papa. At ano ang nangyari at parang ngayon ay napapadalas ang interaksyong naming dalawa? Hindi ba at kusa pa kaming ng-iiwasan dati? At sya pa mismo ang lumalayo? Anong nangyari ngayon> Nag-iba yata ang ihip ng hangin.

Dalta Series #1: Depth of his EyesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant