Chapter 5

21 1 0
                                    

Friday came and as usual mang Ruben would drive me to school early in the morning. Dahil maaga pa ng ihatid ako ay nagtungo muna ako sa starbucks upang tumambay. Nag order lang ako ng Caramel Machiatto (grande). Naroon ako nakapwesto sa may sulok. Isinaksak ko ang earphones ko at nag soundtrip muna.

Dahil tanaw sa aking pwesto ang entrance ay nagulat ako ng may makitang pamilyar na muka. Nanlaki ang aking mga mata ng marealize na si ate Erin iyon! At hindi sya nag-iisa. May kasama syang lalaki, hindi pamilyar ang lalaki sakin pero masasabi kong napaka gwapo niya.

I can see irritation in ate Erin's eyes. She's like a dragon that's about to burst, and the guy keeps on following her. Who could be that guy? Is she ate Erin's boyfriend? Or maybe a friend? This is the first time I saw ate Erin that irritated. But I can see longing and adoration in the guy's eyes!

Nang makitang papalapit sa may pwesto ko sila ate Erin ay agad akong tumungo at tinabunan ang kalahating parte ng aking pisngi at tumingin sa bintana. Pagkadaan nila ay marahan akong sumulyap sa kanila at nakitang naupo sila sa may likod ko, nakatalikod sa gawi ko si ate Erin samantalang nakaharap naman ang lalaki.

Hindi ko na alam kung iritado pa rin ba si ate Erin. Pinakiramdaman ko ang kanilang mga galaw. Ngunti ganon na lamang ang pagkagulat ko ng tawagin ang aking pangalan.

"Miss Raven?" tawag ng babaeng nasa counter.

Hindi ko namalayan na naroon na pala ang order ko. Agad akong tumayo at kinuha iyon, marahil ay napansin na ako ni ate Erin dahil padaan ako sa may table nila. Sa totoo lamang ay hindi kami close ni ate Erin pero maayos naman ang trato namin sa isa't-isa.

Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng kanyang mga mata ngunit hindi iyon nagtagal. Tumigil ako sa may tapat ng table nila at binati si ate Erin.

"Good Morning Ate." Ani ko.

"Good Morning Xira, don't you have class?" tanong nya.

"Uh, I still have 15 minutes po. Maaga pa naman."

Tumango tango sya sakin at bumaling sa lalaking kaharap ganoon din ako. Bagaman tila walang ideya ay bumaling sya sakin at mga ilang sandaling natigilan ay tumayo sya at nakipag-kamay sakin.

"Uhm, he's a friend Xira. Si Xira nga pala, my sister." Kaswal nyang pagpapakilala sakin.

Ngunit hindi ko narinig na binanggit nya ang pangalan ng lalaking kasama niya. Nginitian naman ako ng lalaki, I smiled at him too.

Marahil ay may pag-uusapan pa sila kaya inexcuse ko na ang sarili ko at inubos ang order kong Caramel Machiatto at nagtungo na sa Perpetual dahil malapit na ang first subject ko.

Breaktime ng mapag-usapan naming ang tungkol sa night out naming mamaya. Excited si Freya sapagkat ngayon lang muli kami makakapag bar dahil sobrang busy namin as accounting students. Kaya magandang break ito para samin.

Magandang choice rin na sa Pasay kami mag-Bar dahil wala masyado dito sa Las Pinas. Nakasanayan na rin naming sa Bar 360 sa Resorts World magpunta. Nakapagpaalam na rin ako kay Papa na hindi ako uuwi mamayang gabi dahil sa condo kami ni Naomi matutulog after. Pumayag naman agad si Papa kaya nagpapasalamat talaga ako dahil hindi masyadong mahigpit sakin si Papa.

The whole day was smooth and and we were happy dahil wala masyadong mga financial statement, mga revenues and cashflows na ima-manage, wala ring budgeting and project cost control.

We hurriedly left each other after bidding goodbye to prepare ourselves fo the night out. And as usual kuya Collin was there to pick me up and somehow I'm getting used to being fetched by kuya Collin at school though I look like a little child. I chuckled at the thought.

Dalta Series #1: Depth of his EyesWhere stories live. Discover now