Prologue

35 1 5
                                    

"Xi! Xi!" tawag sakin ni ate Louisse habang hawak-hawak ang isang balloon. She really looked excited tho, mas excited pa yata sya sakin. Charot.


"Bakit ate?" tanong ko sakanya.


"OMG! I'm so egzoyteeeed!" OA na sambit nya. I laughed at her. We were all excited para sa pagdating ni Kuya Collin, well after 7 months of sailing he finally came back here in the Philippines.


The whole mansion was decorated for his comeback, naks sanaol may comeback. It was a simple celebration. Hindi ako mapakali sa upuan ko sa sala, hindi ko maitatangging sobrang na miss ko sya. Narito ang buong pamilya namin, maging si ate Erin na Flight Attendant ay nag absent para sa pagdating ni Kuya Collin.


"OTW na daw si Collin dito!" sigaw ni Kuya Eric na lalong nagpakaba sa akin.


"Okay na ba lahat? Yung balloons? Confetti?" napapraning na tanong ni Tita Liza na halata ang excitement sa muka.


"Hon, Chill. Okay na lahat, we'll just have to wait for Collin to arrive." Si Papa habang marahang hinahaplos ang likod ni Tita para kumalma.


"Im just excited Hon, finally." Maluha-luha namang ani Tita na sabik nang makita ang anak.


Tumabi sakin si Kuya Jien na excited ding makita ang kapatid. Samantalang tahimik din namang naghihintay si ate Erin na excited din. Naiiba naman si ate Louisse na kala mo ay may bulate sa pwet dahil hindi mapakali sa inuupuan at panay ang kalikot sa cellphone at kuha ng kuha ng picture. Tss.


Dahil hindi rin ako mapakali, marahan akong tumayo at pumunta muna ng restroom para mag-ayos. I looked at my reflection in the mirror, I am wearing a high-waisted mom jeans, a grey halter top. Naka messy bun ang buhok ko and im wearing my white sneakers na regalo niya.


Bumalik ako sa sala at nakita silang lahat na nakatayo na. Pumwesto na rin ako sa may tabi ni ate Louisse na ngayon ay nagvi-video na. Marahang bumukas ang pinto at iniluwa noon si kuya Collin na nagulat sa ayos ng mansion.


"WELCOME BACK COLLIN!!" sigaw naming lahat ng sabay-sabay at pinaputok ang party poppers at pinasabog ang mga confetti, parang b-day ng isang 7 year-old. I giggled.


Tumingin ako sakanya at nagtama ang paningin naming dalawa, nag-iwas sya ng tingin. Unang lumapit sakanya si Tita at mahigpit na niyakap ang anak na akala mo ay sampung taong hindi nagkita. Papa gave him a manly hug, ganoon rin si kuya Eric at kuya Jien. Humalik naman sa pisngi nya si ate Erin at niyakap siya. Si ate Louisse naman ay niyakap ng mahigpit si kuya Collin at hinalikan ang kuya sa pisngi.


Now they turned all of their heads at me, awkward naman akong napangiti at marahang lumapit sakanya. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, he's gaze at me became cold. Binigyan ko lang sya ng marahang yakap na hindi nagtagal ng 5 seconds, duh baka makahalata sila noh. Lumayo ako at bumalik sa tabi ni ate Louisse.


"Ano pang hinihintay natin? KAINAN NAAA!!" sigaw ni kuya Jien na nangunguna pa sa dining table, sa magkakapatid talaga sya ang pinakamatakaw. Chos.

Dalta Series #1: Depth of his EyesWhere stories live. Discover now