Chapter 1

35 2 4
                                    

"Xiraaaaa" tawag sakin ni Freya na kararating lang dito sa learning resource center/library ng UPHSD Las Pinas Campus.


"Ano ba Freya, nasa library tayo oh, ang ingay ingay mo." saway ko sa kaibigan.


Nag pout naman sya. Tss. Parang bata. Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pagbabasa. Ngunit hindi ako makapag focus dahil panay ang kudlit niya sakin.


"Ano ba Freya? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." naiinis kong sambit.


"eh eto nga kase gurl, nong papunta ako dito eh nakita ko yung mga Marine students papunta dito! Kasama yung kuya mo! Ihhhh I cannoooot." kinikilig niyang ani.


Marine student? Eh isa lang naman ang kapatid kong marine eh, I mean step-brother, si kuya Collin.


"Oh anong dapat kong gawin?" I sarcastically said.


Napairap naman siya sakin.


"Alam mo, ang sungit sungit mo. Siguro may dalaw ka ngayon noh?"


"Shh, hinaan mo nga yang boses mo. Para kang nakalunok ng speaker. Tsaka tapos na period ko noh" ani ko sakanya.


"Hayst, eh baka pwede mo naman akong ilakad dyan sa kuya mo, hehe dali na Xira. Pleeeease." Nagpupumilit niyang sabi.


Napabuntong-hininga na lamang ako sa sinabi niya. We were never really close, lagi kong naiilang sakanya. Ni hindi ko nga kinakausap yan sa bahay eh, lalong lalo na dito sa school. Not everyone knows that we were step-siblings, only a few people. Sa lahat ng step-siblings ko, si ate Louisse, kuya Jien, at kuya Eric ang pinakang close ko.


"Gagiks, eh hindi nga kami nagpapansinan niyan eh, tapos gusto mong ilakad kita?"


Natigil lamang ang usapan namin ng mamataan ko ang pagpasok ng grupo ng marine students dito sa library, kasama doon si kuya Collin. They were talking to each other, nakasuot sila nong uniform na pang marino. I cant deny the fact na gwapo talaga siya, ang lakas ng dating. Marami sa batch nila ang nagkakagusto sakanya, well hindi naman siya yung type na nagseseryoso sa relationship. Kaya swerte ka na kapag naging fling ka niya.


"Ang gwapo niya talaga siiis, huhuhu. Iniisip ko pa lang na magiging kami parang mamamatay na ako." OA na sabi ni Freya na tila nag-iimagine pa.


"Asa ka naming seseryosohin ka niyan? Tss." I rolled my eyes at her.


Binalik ko ang tingin ko sa grupo nila, Im just wondering kung ano ang ginagawa nila dito eh hindi naman mahilig magbasa ng libro yan si kuya Collin. He easily gets bored with reading stuff. Nagtama ang paningin naming dalawa at hindi ko namalayang ang tagal ko na pala siyang tinititigan. Awkward akong nag-iwas ng tingin at bumalik na lamang sa pagbabasa. Panay naman ang sulyap ni Freya sa table nila kuya Collin.


"Haaay, sayang naman. 4th year na sya diba? Edi graduating na? Hindi ko manlang naranasang mapansin ng isang Collin Rodriguez." nanghihinayang na wika ni Freya.

Dalta Series #1: Depth of his EyesWhere stories live. Discover now