Epilogue

2K 66 16
                                    

Sandara's POV

Sabi nila abnormal daw ako. Gosh! Sa ganda kong 'to?! Tss. Ni hindi ko nga alam kung saan nila hinugot 'yung word na 'yun para lang ikabit sa magandang pangalan ko. Ang abnormal ko raw kasi, pati ng mga ginagawa ko. Grabe! Ang galing nilang mag joke, 'no?! Parang totoo! Hahaha. Asa naman silang abnormal ako!

"Sandara! Ano na naman ba 'yang ginagawa mo?! Susme kang bata ka! Graduating ka na, puro ka pa rin kalokohan! Peanut butter sa kape?! Ketchup sa toasted bread?! Haru jusko! Ewan ko sa'yong bata ka!" Ang aga-aga, misa agad si Mama. Hay naku. Ang sarap kaya nitong breakfast ko!

"Hay naku, Ma. Baka naglilihi." Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape dahil sa sinabi ni Aira. Susme. Ang aga-aga niyang magjoke ha!

"Buntis ka, Dara?! Susme kang bata ka! Kailan niyo ginawa 'yan?!" Nasapo ko na lang ang noo ko. Akala ko matino at seryoso si Mama, before. Hindi pala. Kaya hindi na ako magtataka kung kanino ako nagmana!


"Ma! Kayo yata ang puro kalokohan, e! Tss. Buntis? Ano 'yun? Si Baby Jesus ang dinadala ko? Virgin Mary ang peg ko?" Saad ko. Nagpatuloy na ulit ako sa pagkain pero hindi pa rin tumigil si Mama.


"Virgin ka pa?! Ay jusko! Nung ganyang edad mo ako, n-"


"Stop it, Ma! Nasa harap tayo ng pagkain, oh? At saka, kaharap mo si Alexa. Mahiya ka naman." Singit ni Aira. Wew. Buti na lang at nandiyan pa siya. Kung wala siya. Ay naku! Nasira na ang innocent ears ko dahil kay Mama! Tsk. Tsk.


"I'm busy with my foods." Ani Alexa na tahimik na kumakain. I smiled. Marami na talagang nagbago after high school. Tulad ngayon, mas close na kami ng family ko.


"Ma'am Dara, andiyan na po ang boyfriend nyo." Sabay-sabay kaming napatingin kay Manang. Andiyan na raw ang boyfriend ko. Hihihi. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa labas para sunduin ang aking mahal.


"Sandy my loves so sweet!" Napangiti ako nang makita siya. Marami nang nagbago sa loob ng apat na taon. Pero isa lang ang hindi nagbago. Ang pagtingin ni Raul sa akin.


"Ang aga mo naman? Tara, kain ka muna sa loob." Pag-aaya ko sa kaniya. Ngumiti si Raul at humawak sa tummy niya.


"Tamang tama! Gutom na nga ako, e! Ano ba ang pwedeng kainin diyan?" Hindi ko pinansin si Raul. Lumapit ako sa kaniya at nag cling sa braso niya. Humalik muna ako sa pisngi niya bago tuluyang pumasok ng bahay.


"Good morning." Bulong ko sa kaniya.


"Oh. Ang sweet naman ng Sandy my loves so sweet ko! Lalo tuloy akong nai-inlove e!" Tinawanan ko na lang si Raul. Ang kulit talaga niya! Graduating na rin siya tulad ko. Same school, same course, same classes. In short, suya na ako sa mukha niya. Hahahaha.


"Hi, Ma! Good morning!" Bati ni Raul kay Mama. Close na talaga sila. I smiled. Naalala ko nung high school, iritang irita ako sa kaniya. To the point na, halos ipatapon ko na siya sa Planet Nemik. Pero ngayon. Hindi ko alam na siya pa ang magiging sandigan ko. Takbuhan sa oras ng kalungkutan. Kaya siguro, minahal ko na rin siya.


"Grabe ha. Maka-Ma, daig pa ang real boyfriend." Pagpaparinig ni Aira kay Raul. And then, they war had has began. Hahaha. May future sila. Future maging couple. Ang sweet kasi nilang magtalo. May chemistry silang dalawa. Kinikilig tuloy ako!


Tiningnan ko siya. Si Vincent. Ngumiti lang siya sa akin. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko! Gosh! Boyfriend ko na talaga siya?! For real?! Hahaha. Five months na rin ang nagdaan nang magkausap kami sa amusement park. We talked everything there. And we've decided, to be a couple. Yes! After four years! Hahaha.


"I love you, MS." Aniya. I smiled. He never disappoint me in terms of pagpapakilig. Shete. Ang aga kong corny!


"I love you, too, PV." Sagot ko. He leaned closer to me. I closed my eyes, and we shared the best breakfast ever! A kiss.


"O-Oy! Ano 'yan! Susmeng mga bata 'to! Get a room!" Bulyaw ni Mama pero hindi namin siya pinansin. Tinawanan lang namin siya. Pati ang nagbabangayan na Aira at Raul, nakitawa na rin. Inakbayan ako ni Vincent.


Sabi nila, abnormal ako.


Siguro nga, tama sila. Abnormal talaga ako.


Abnormal ako kasi, nakipagpustahan ako kay Pusa na magkakaroon ako ng boyfriend within three months.


Abnormal ako kasi, naghanap ako ng pwedeng maging boyfriend.


Abnormal ako kasi, nanligaw ako ng mga lalaki.


At higit sa lahat...


Abnormal ako kasi, hindi ko alam noon kung sino talaga ang mahal ko. Between Dennis and Vincent.


Pero ngayon. Abnormal man ako sa paningin nila.


Ang iniibig ko naman ay nag-iisa na. At iyon ay si JOHN VINCENT PELAEZ.


Nakakatuwang isipin. He's not my first love. He's not my first boyfriend. He's not my first kiss. But, he will be my last. My everything. And I'll assure that.

Thanks sa pagiging abnormal ko. Nakilala ko siya. Hahahaha.

Dear Fate...


Normal acts are boring. Abnormal acts are exciting. Hahaha. Thank you for giving me a chance to play with your game. But, I guess. I'll stop here. 'Cause now. I found my never ending.


*****
A/N: This is it, pansit! Oh em gee! Hahaha. Epilogue na! At last! After one year and four months, tapos na rin 'to! *Q*/ Palakpakan! Mwahahaha. Anyways, hindi na detailed kung ano ang nangyari four years ago. Bakit? Kasi... Ayaw gumana ng utak at mga daliri ko. ^^v Hahaha. Pero 'pag naisipan ko, magpo-post na lang ako ng special chapters para sa mga nangyari four years ago. 'Pag lang ha? Hehehe. XDD Anyways, THANK YOU SO MUCH dahil binasa mo 'to hanggang dito. <3 <3 :)) Alam ko, hindi 'to ganun kaganda tulad ng iba. Pero, matiyaga ko 'tong tinapos at matiyaga mo 'tong binasa kaya congrats sa ating dalawa! ^^ Hihihi. Magulo ang story. Pansin mo? Well. Ganern talaga. Magulo ang utak ng otor e. Sarreh. Hahaha. Pero... THANK YOU TALAGA! Thank sa matiyagang paghihintay ng updates! Thank you sa votes and minsan, comments! Pero higit sa lahat. THANK YOU TALAGA SA PAGBABABASA. Hahaha. So much! Hihihi. May side stories  'to pero hindi muna sa ngayon. LBLAD ang focus story ko ngayon. ^^ Hope you'll read it, too. LOVE LOTS! :* :)) :3


P.S.

Comment anything below for dedications. Thank you. :)) ^^


~Yumi ^^

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon