Eleven

2.2K 67 5
                                    

Sandy's POV

"Aaaaaaah.." Nag inat ako. Ang tagal naman ni Ms. Gomez! Tapos, absent pa si Pusa at 'yung kambal. Hays. Ang loner ko tuloy. Kabagot!

Nanghalumbaba ako paharap sa bintana.

Isa't kalahating buwan na lang pala, due date na nang deal namin ni Pusa? And still, nganga pa rin ako! Hays. Paano pag natalo ako? Ano nang mangyayari? Sasagutin ko ba talaga si Raul? Err.. Ayoko! Ayokong sya ang maging first boyfriend ko. Nakakakilabot!

"Vincent." I mouthed nang makita ko syang magdaan sa hallway. Dali-dali akong tumayo para lumabas. Tss. Bakit ba ang ulyanin mo Sandy?! May alas ka pa pala! Si Vincent! Aish!

"Vincent!" Sigaw ko nang makalabas sa room. Huminto sya sa paglalakad at lumingon sa akin. Tiningnan nya lang ako. Pati mga chismoso kong classmates, at schoolmates namin, nakatingin na rin. Tss. Mga echusera!

"Ano kasi.." Usal ko. Hays. Seryoso talaga Sandy. Kelan ka pa tinubuan ng hiya?! Aish.

Lalapitan ko na sana sya nang may babaeng dumaan sa gilid ko at dali-daling kumapit sa braso nya. Binangga pa ako. Bwisit.

"Gotcha! Akala ko hindi na kita mahahabol e! Saan ka pupunta?!" Usal sa kanya nang babae, pero nanatili syang nakatingin sa akin. Sinundan nang babae ang tingin nya. Kaya naman, nakatingin na rin sa akin ang babaeng 'to. Tss. Sarap pasakan ng piso ang mga mata. Makatingin wagas.

"Anong sasabihin mo?" Tanong sa akin ni Vincent. Dinedma ko ang tingin ni Aira sa akin. Inilagay ko ang mga kamay ko sa likod ng ulo.

"Wala naman. Gusto ko lang sabihin na may date tayo. Sa Sabado. Alas diyes ng umaga. Sa park malapit dito sa school ang meeting place natin. Wag mo akong iindyanin. Kung hindi, sinusumpa ko, uubusin ko ang magiging lahi mo." Saad ko sabay talikod. Pautos ang pagkakasabi ko kaya dapat sundin nya ako. Kung hindi... Ay naku! Seryoso. Uubusin ko talaga magiging lahi nya!

"Pati ba naman si Vincent nilalandi mo?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ni Aira. Nilalandi? What a term?! Talas din ng bibig ng babae na 'to ah. Wala naman sa lugar. Tss. Vice President ng Student Council tapos, ganyan magsalita? Mud. I-demote na 'yan! Ako na lang papalit! Ha. Ha. Ha.

Humarap ako sa kanya ng naka-cross arms, then I smiles. Pang asar lang ang peg.

"Yep! Pati sya nilalandi ko. Inggit ka?" Nakita ang pagtaas ng isang kilay nya dahil sa sinabi ko. Tss. Hitsura.

"Anong sabi m-" Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya nang iwanan sya ni Vincent. Buti nga. Tss. Kabe-break lang nila ni Dennis, si Vincent naman ang kinakapitan ngayon. Sino kaya ang malandi sa aming dalawa? Batukan ko sya e.

"Sa Sabado ha!" Sigaw ko kay Vincent sa huling pagkakataon. Nakita ko naman ang pagtango nya. Yes! Umpisa na ng panliligaw ko! Dapat mapasagot ko na sya sa Sabado!

"Tinitingin-tingin mo?" Bulyaw ko kay Aira. Inirapan nya lang ako at sumunod na kay Vincent. Tss. Pasalamat ka maganda ako. Kung hindi.. Ay naku! Nadukot ko na 'yang mga mata mo! Bwisit!

"Bleh!" I make a face nang makatalikod sya. Hay naku, Aira. Pasalamat ka talaga dahil..

"Anong ginagawa mo?" Napahinto ako sa pagme-make face ng sitahin ako ni Ms. Gomez. Iniayos ko ang sarili ko. Wrong timing naman sya. Kung kelan nag-e-enjoy na ako tsaka darating. Kamote.

"Ah. Eh. Wala po Ma'am. Nagpa-practice lang po akong magpatawa para sa mga batang inaalagaan namin. He. He." Kamot-ulo kong sabi. Tinanguan nya lang ako at sinenyasang pumasok na sa room. Tss. Sleeping time!

Saturday morning . . .

"Ito kaya?" Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon