Forty Two

1.1K 45 1
                                    

Sandy's POV

"Mr. Kupido. Ako nama'y tulungan mo. Siya'y pana--" Natigil ako sa pagkanta nang lumapit sa tabi ko si Ryan at naupo. Tsk. Asungot na 'to! Kelan ba kasi sila aalis dito sa bahay?!


"Bakit kailangan mo pang humingi ng tulong kay Kupido? Napana na kaya niya ang puso ko. Kaya nga, heto oh. Patay na patay ako sa'yo." Sinamaan ko siya  ng tingin. Nginitian niya lang ako ng sobrang lapad. Tss. Kung ibang babae siguro ako, baka sakaling kiligin pa ako sa sinabi niya. Kaso, hindi e. Ako ay ako. At nasosora ako sa kanya. Peste.


"Seryoso, Ryan? Gusto mong matuluyan?" Poker face kong tanong. Bigla siyang nanghalumbaba at ngumuso. Tss. May future siya, ha? Future maging bakla.


"Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human, too?" Hindi ko alam kung maaasar ba ako nang tuluyan o matatawa sa hitsura niya. Hahaha. Epic face.


"Nakakatuwa ka rin pala minsan, 'no?" Sabi ko out of nowhere. Tss. Ang daldal ko rin pala minsan, 'no? Kamote! Itinuon ko na ang tingin ko sa assignments ko bago pa siya umimik. Mamaya, tangayin pa ako ng hangin niya dahil sa sinabi ko. May pagkamababaw pa naman ang isang 'to.


"Ang cute mo rin pala minsan, 'no? Hihihi." Nilingon ko siya. Cute ako pero hindi lang minsan!


"Lalo na pag naiinis." Dugtong niya, dahilan para mapairap ako. Tsk. Whatever! Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Haaaays. Bakit ba ang daming assignments ang ibinigay ng mga teachers namin?! Nakakatamad kayang gumawa! Tsk.


"Ayoko na!" Bulalas ko sabay bagsak sa hawak kong ballpen. I give up! Hindi na keri ng utak ko! Math, Physics, Literature, Filipino. Aish! Sa lahat yata ng subject, may assignment kami!


"Gusto mo tulungan kita?!" Napatingin ako kay Ryan. Andito pa pala siya? Wow naman. At talagang feel na feel ang kama ko! Tss. Hinarap ko siya ng maayos at tinitigan. Wagas na naman ang ngiti niya. Hindi kaya siya nangangawit ngumiti?


"Tutulungan mo ako?" Paninigurado ko. Mamaya, ginogoyo lang pala niya ako.


"Yep! Natural, wala naman din akong ginagawa e." Nag inat ako dahil sa sinabi. Tumayo na ako sa upuan at tumalon pahiga sa kama.


"Okay! Tapusin mo lahat 'yun, ah?! Tsupi na! Punta ka na roon sa study table! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya. Walang angil naman siyang bumangon at pumalit sa pwesto ko kanina. Dumapa ako sa kama at tinitigan siya. Mukhang seryoso siya, ha. Infairness.


"Ryan." Tawag ko sa kanya.


"Hmmm?" Naks naman! Seryoso talaga siya! May pakinabang naman pala siya kahit papano. Hahaha.


"Bakit bumalik ka pa rito sa Pilipinas?" Walang kwenta kong tanong. Kailangan kong umusip ng pwede naming pag-usapan para hindi siya antukin.


"Dahil bumalik ka na rito sa bahay niyo."


"Dahil lang doon?" Hays. Bakit parang mali? Ako ang inaantok! Tsk. Nakakaantok naman kasi ang atmosphere pag puro libro ang nakaharap mo.


She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon