Five

2.5K 89 8
                                    

Helloooo She_Ri_Lou! ^__^ Para sa'yo ang Chapter na ito! Hope you'll like it! :)) Enjoy reading! ^^

****

Sandy's POV

"Ano?! One month akong magko-community service?! Bakit?!" Sigaw ko kay Pusa. Andito kami sa kwarto ko. Dahil hindi daw ako nakapasok kanina, sa kanya na sinabi ng principal ang gagawin kong community service. Tsk. Paano naman kasi ako makakapasok?? Kumalat na sa school 'yung nangyari sa canteen. Pati na rin 'yung.. Argh! Nakakaasar! Baka isipin nila ang landi ko! Tsk. Ano ba kasi 'tong mga pinasok ko?!

"Yup!" Sagot ni Pusa. Tumabi ako sa kanya.

"Bakit daw?! Wala naman akong ginagawang kalokohan ah?!" Tanong ko ulit. Kinuha nya ang cellphone nya at may kung ano syang tiningnan dun.

"Oy! Kinakausap kita! B-"

"Oh!" Putol nya sa sinasabi ko. Iniharap nya sa akin ang phone nya.

"Anong meron sa calendar?"

"Tingnan mo 'yung date." Usal nya. Sinunod ko naman sya.

"June 17, 2013." Usal ko. Binawi na nya ang phone nya at ibinulsa.

"June 17, 2013 nagsimula ang school year natin, di ba?" Tanong nya. Tumango ako bilang sagot. Nag cross arms sya.

"Anong date na ngayon?" Tanong nya ulit.

"Bakit ang dami mong tanong about sa dates?"

"Sagutin mo na lang!"

"Tsk. Ano.. Ahh.. Wait. Anong date na nga ba?" Napakamot ako sa ulo. Bumuntong hininga naman si Pusa.

"July 15 na." Aniya.

"Ah. Alam mo naman pala nagtatanong ka pa!" Sumbat ko. Pinanlakihan naman nya ako ng mga mata.

"Hindi mo ba talaga gets ang ibig kong sabihin? June 17 nag start ang classes! July 15 na ngayon! One month na tayong fourth year high school! At sa one month na 'yun, pito! Ay hindi! Walo! Walong beses ka nang na-detention! Na-detention ka dahil sa mga kalokohang ginawa mo! Umakyat sa gate para lang lumabas at bumili ng dirty ice cream! Nilagyan ng durog na chalk ang upuan ni Ma'am Sungca! Itinapon mo ang balat ng saging sa gitna ng hallway. Dahilan para madulas si Mr. Nuñez! Sinungkit mo 'yung wig nung guard! At kung anu-ano pa! At ang pinaka-latest. Pinaiyak mo si Ma'am Sungca!" Sumbat nya sa akin. Tiningnan ko sya.

"Wow. Ang galing mo Pusa. Kabisado mo 'yun lahat? Ni hindi ko na nga tanda ang mga 'yun!" Usal ko. Napa-face palm naman sya.

"Sa haba nang sinabi ko. 'Yan lang talaga ang nasabi mo?!? Hays. Ewan!" Tumayo na sya at isinukbit ang bag.

"Basta. Pumasok kana bukas. Para malaman mo kung bakit kailangan mong mag community service. Uuwi na ako." Aniya. Bumuntong hininga ako.

"Hatid na kita sa labasan." Usal ko. Sinundan ko syang maglakad.

"Tita, uwi na po ako." Paalam nya kay Nanay.

"Uuwi ka na? Ang aga pa ah." Ani Nanay. Ngumiti naman si Pusa.

"Marami pa pong gagawin e."

"Ganun ba? Oh sige. Ingat ka sa pag uwi." Usal ni Nanay.

"Sige po." Si Pusa. Nauna na syang lumabas ng bahay.

"Hatid ko lang po sya sa labasan." Usal ko kay Nanay.

"Sige. Kahit wag ka ng bumalik." Ack. Anak nya ba talaga ako sa lagay na 'yan?! Tss.

"Sumbong kita kay Tatay e." Bulong ko. Lumabas na rin ako ng bahay at inihatid si Pusa.

"Bye-bye." Paalam ni Pusa nang nasa labasan na kami.

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon