She's Abnormal ♥

8.2K 164 34
                                    

Sabi nila abnormal daw ako. Gosh! Sa ganda kong 'to?! Tss. Ni hindi ko nga alam kung saan nila hinugot 'yung word na 'yun para lang ikabit sa magandang pangalan ko. Ang abnormal ko raw kasi, pati ng mga ginagawa ko. Eh, teka!


Abnormal na ba ang kumain ng lugaw habang nagkakape?


Abnormal na ba ang matulog ng nakatihaya?


Abnormal na ba kapag kinakausap mo ang sarili mo?


Abnormal na ba ang pumapak ng kape sa dis oras ng gabi?


Abnormal na ba ang walang crush? O, kaya never pang nag'wapuhan sa isang lalaki?


Abnormal na ba ang maghanap ng isang lalaki para gawing boyfriend?


O, kaya. Abnormal na ba ang lapitan mo ang isang magkasintahan at sabihin sa girl na boyfriend mo rin ang boyfriend n'ya kasi trip mo lang?


At higit sa lahat, abnormal na ba ang sabihin sa isang tao na mahal mo s'ya kahit hindi naman? Dahil lang kailangan mong manalo sa isang pustahan?!?


Well kung ganun...


Abnormal nga yata ako. =______=

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon