Forty-six

1.1K 45 4
                                    

Sandy's POV


"Oh." Iniabot niya sa akin ang isang Sprite in can. Ngumiti ako bago 'yun kuhanin.


"Thanks." Mahina kong sabi. Uwian na namin pero andito pa rin kami ni Vincent sa auditorium. Marami pa raw siyang gagawin dahil siya ang SC President. Pero ang hindi ko ma-gets, bakit dinamayan ko siya?


"Naaawa ka kasi sa kanya." Bulong ko. Tama. Naaawa ako sa kanya  kaya naman sinamahan ko siya ngayon. Tss. Kailan pa ako naging maawain? Baliw na talaga ako.


"Kamusta na nga pala ang panliligaw mo kay Dennis?" Tanong niya out of nowhere. Binuksan ko ang ibinigay niyang soda at uminom. Nakaupo ako sa stage habang siya, nakasandal lang.


"Ayos naman. Lahat ng itinuro mo sa akin, ginawa ko." Sagot ko pagkainom. Tiningnan ko kung anong oras na. 5:43 PM na. Bakit ang bilis ng oras? Baka kasi tumatakbo? Tss.


"Sa tingin mo ba, sasagutin ko niya?" Napatitig ako sa kawalan dahil sa tanong niya. Sasagutin nga kaya ako ni Dennis? May pag-asa nga ba ako sa kanya? O, si Pea na lang talaga. Pero bakit ganun? May parte sa puso ko na malungkot dahil hindi ako mahal ni Dennis. May parte naman na masaya. Kaloka.


"Hindi ko alam." Sagot ko pagkalagpas ng ilang minuto. Uminom ulit ako ng Sprite at ninamnam ang katahimikan na bumalot sa kapaligiran. Gusto kong ngumiti dahil sa pwesto namin ni Vincent ngayon. Para kaming lead characters sa isang pelikula habang nagde-date. Nakakatuwa. Mabilis din ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya pero, sobrang komportable ko sa kaniya. Unlike 'pag si Dennis ang nasa harap ko. Daig ko pa ang aatakihin sa sobrang bilis nang tibok ng puso dahil sa kaba.


"Mahal mo ba talaga siya, Sandy?" Basag niya sa katahimikan. Napatingin ako sa kaniya. Nakatitig siya sa akin. Ano ba 'yan! Nakakailang!

"O-Oo. Bakit naman ako magpapakatangang ligawan siya kung hindi ko siya mahal, 'di ba?" Sagot ko. Tumawa ako ng mahina at nag iwas ng tingin. Tumitig akong muli sa kawalan. Kamote. Bakit parang ang makata ko ngayon?


"Bakit mo siya mahal?" Napaisip ako sa tanong niya. Bakit ko siya mahal? Teka. Bakit nga ba? Naitanong ko na ba 'yan sa sarili ko? Kung oo, bakit hindi ko alam ang sagot? Aish. Bakit hindi ko alam ang isasagot?


"Ano ba ang pagmamahal? Kailangan ba nang dahilan para mahalin mo ang isang tao? Dapat ba may rason ka kapag tinanong kung bakit mo siya mahal? Hindi ba pwedeng, mahal mo siya dahil nahulog ka na lang sa kaniya nang hindi mo inaasahan?" Pag iiba ko ng tanong. Segway lang naman. Wala akong sagot sa tanong niya, e. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tss. Ano kayang nakakatawa? Seryoso ako!


"Bakit mahal ka ng Mama mo?" Tiningnan ko siya nang kunot-noo dahil sa tanong niya. Bakit naman nadamay si Mama? Tss. Sasagot pa lang ako nang magsalita siyang muli.


"Kasi anak ka niya." Nakangiti niyang sabi. Nanatili akong tahimik at minasdan lang siya. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.


"Bakit mahal ka ng mga kaibigan mo? Kasi, totoong tao ka. Bakit mahal ka ni Aira? Kasi, kambal ka niya. Bakit mahal ka ng mga taong nakapaligid sa'yo? Kasi, pinapasaya mo sila. At higit sa lahat, bakit mahal kita? Kasi, ikaw si Sandy Mae Mendez na nagbigay ng kulay sa boring kong buhay." Napatulala ako sa mga sinabi niya. Nanatili naman siyang nakangiti habang diretsong nakatingin sa akin. Kamote. 'Yung puso ko! Nangangarera! Ano ba 'yan?!

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon