Thirty Two

1K 44 6
                                    

Sandy's POV

"Oo naman. Kilalang kilala kita, Hazel Joy Nut. Ikaw ang kambal nitong si Pea, di ba? At ikaw rin ang kauna-unahang babae na nagpaiyak sa akin." Anong ibig niyang sabihin? Bakit parang hindi ko 'yon alam? Tiningnan ko si Hazel, naka-smirk sya habang nakataas ang isang kilay. Taray ng mukha nya pero wala akong paki. Anong ibig sabihin ni Dennis na sya ang unang nagpaiyak kay Dennis? Anong ginawa nya? Sinuntok ba nya si Dennis nung bata pa sila? Tinadyakan? Sinipa? Binatukan? Anoooo?! At bakit hindi ko alam na magkakilala na sila?!

"Hanep ka naman Den. Ten years ago pa 'yun ah. Six years old pa tayo nun. Hanggang ngayon di ka pa rin nakaka-move on?" Tanong ni Hazel kay Dennis. Waaaah... Naguguluhan ako! Kanina, tinarayan ni Hazel si Dennis at sinabi na hindi sila close, kaya naman nagpakilala ng formal itong isa. Tapos ngayon, malalaman ko nagmakakilala sila?! At si Hazel ang unang babae na nagpaiyak kay Dennis, ten years ago pa! Seryoso?! Totoo ba 'to o ginagago lang nila ako. Kamote!

"Uy, okay ka lang?" Siniko ako ni Pea at tinanong. Tiningnan ko lang sya. Naguguluhan ako! Ano ba talaga ang meron?!

"Samahan mo akong bumili." Usal ni Vincent sabay hila sa akin. Nagulat ako kaya hindi agad ako naka-react. Letse. Naguguluhan na nga ako, bigla- bigla pa manghihila ang isang 'to. Tss.

"Bibili ka na lang, isasama mo pa ako! Chaperone lang?!" Tanong ko kay Vincent. Tumigil sya sa paglalakad at tiningnan ako.

"Mukha ka na kasing tanga dun." Aniya at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na rin niya ako hila-hila. Tumingin ako sa pwesto namin at tiningnan kung ano ang mga reaksyon nila. Sad to say, pero wala. In fact, nagtatawanan pa sila. Tiningnan ko si Dennis. Nakaka-disappoint. Akala ko pa naman susundan niya ako ng tingin, tapos.... Tss. Letse!

Naglakad ako papunta kay Vincent na nasa counter.

"Broken hearted ako. Ilibre mo naman ako kahit Dutch Mill at Cheesecake lang!" Parang bata kong sabi kay Vincent. Tiningnan nya ako at inirapan.

"At paano ka naging broken hearted, kayo na ba? Naghiwalay na ba kayo? Ni hindi mo pa nga nasasabi sa kanya, broken hearted kana? Sus. Wala akong pera." Tss. Daming sinabi, di naman pala manlilibre. Bwisit.

"Sige naaaaaa! Can't you see na may past sila ng friend ko?! Nakaka-broken hearted kaya 'yun! At saka, ikaw?! Mawalan ng pera?! Weh?! End of the world na ba?! Waaaah... Sige naaaaaaaaa, Vincent!" Pagmamakaawa ko pero dedma lang sya. Kainis naman 'to e! Pakipot na kuripot!

"Nung nag date tayo willing kang bilhin lahat ng gusto ko. Tapos ngayon?!" Pagpaparinig ko. Nakita ko ang pagsibol ng isang matamis na ngiti sa kanyang mapupula at maninipis na mga labi.

"Baliw. Date nga di ba? Nakakahiya naman yata sa part ko kung magpapalibre ako sa'yo. Nakakababa kaya ng ego 'yun." Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Kainis! Para Dutch Mill at Cheesecake lang e! Yumuko ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa upuan namin kanina nang higitin nya ako pabalik.

"Oh. Baka sabihin naman nila, hinila kita dito para apihin." Aniya sabay abot ng tray na may Dutch Mill at Cheesecake in plate. Kinuha ko agad 'yun kahit medyo nakaka-disappoint.

"Bakit orange flavor?! Gusto ko strawberry!" Reklamo ko sabay pakita sa kanya nung Dutch Mill. Inismiran nya ako.

"Di ka pa thankful na nilibre kita. Tss. Batukan kita diyan e!" Usal nya at iniwan ako. Ngumiti ako at sinundan siya.

"Thank you, PV! Kaya love kita e!" Sigaw ko na dahilan nang paghinto niya. Anyare?! Bakit siya huminto?

"Anyare sa'yo? Naistatwa ka na diyan." Usal ko nang makalapit ako sa kanya. Tiningan niya ako at nginitian.

"Love rin kita, MS!" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Alam ko sa sarili ko na wala akong feelings para kay Vincent, pero.... Waaaaahhh.... Bakit biglang uminit?! At ang bilis ng pintig ng puso ko! Kamote!

"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeee!" Bumalik ako sa katinuan dahil sa hiyawan ng mga kapwa namin estudyante. Syete! Aish! Kainis!

"Balik na nga tayo. Masyado na tayong agaw eksena." Bulong nya sa akin. Tumango ako.

"Buti pa nga! Masyado na ring nae-explore ang ganda ko e!" Natawa sya dahil sa sinabi ko. Tss. Batukan ko 'to e!

"Sa susunod na magka-low pressure area, tatawag ako sa PAG-ASA at isa-suggest kong Sandy ang ipangalan kung sakaling magiging bagyo 'yun. Ang hangin mo e." Tatawa-tawa niyang sabi. Tiningnan ko sya ng masama kaya naman binilisan na niya ang paglalakad at iniwan ako. Kainis. Totoo kaya ang sinabi ko! Pero... Thanks to Vincent.

May FREE FOODS AKO! MWAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Dear Fate...

Dunno what to say. Pero... Bahala ka na sa lovelife ko ah! I trust you!

*****

A/N: Oooookay! Short update! Masabi lang na nag-e-exist pa ako. Hahahaha. Hello guys! Nawa'y nagustuhan nyo ang short update na ito. Hahaha. Sabi ko babalik na ako sa Watty land ngayong August. Sabi ko lang pala! Mwehehehe. Anyways, babawi na lang ako sa mga updates sa sembreak. Hahaha. Love yah, guys! Thanks for reading! :***

P. S.

Nikikilig ako kay Sandy at Vincent. Mwehehehehe. :3

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon