THIRTY: NIGHTMARE

Start from the beginning
                                    

"H-Hindi ko binago ang pangalan mo at alam kong alam mo yun. B-Binago lang namin ng Tatay mo ang apelyido mo dahil gusto ko, b-balang araw ay mahanap ka pa rin ng mga magulang mo. Ngayon ay nag katotoo na, h-hinahanap ka na nila anak, nag iintay na sila sayo," namamaos na sabi nya habang hinihimas ang braso ko.

Umiling ako. Ayokong maiwan na naman ulit. "Nay, gagaling ka at makakauwi na tayo"

Tumayo ako at hinalikan ang pisngi nya. Nag lakad-lakad ako sa loob ng kwarto nya para maiba naman kahit papaano ang usapan.

"May kahon sa i-ilalim ng k-kama ko anak. Naka burda doon ang buong pangalan mo. I-Itinago ko yun para sayo," mahinang sambit nya kaya agad akong napalingon. Noong mawala ako ay tanging pangalan ko lang ang alam ko. Hindi pa ako marunong sumulat noon at naalala kong sinabi ni Tatay na hindi nya ipagkakait sakin ang tunay kong pangalan.

At ang panyo na yun ay nasa likod ko noon. N-Naaalala kong g-ginawa iyon ni M-Mama para sakin, ang alala ni M-Mama.

"N-Nay, salamat p-po," sambit ko at agad syang niyakap ng mahigpit at may pag mamahal.

"Di ko kayang m-maiwan na naman pero alam ko pong gusto mo ng makasama ulit si Tatay," umiiyak na sambit ko habang nakahawak sa mga kamay nya at nakatungo. Hinalikan ko ang noo nya sa huling pagkakataon.

"M-Mahal kita anak. Patawarin mo ako," bulong nya.

Umiling ako at humihikbing yumakap sa kanya. "Nay, a-ayokong m-maiwan ulit p-pero"

I cried and embraced her like I was holding the world. Nay, can you just stay here with me? Can you?

"M-Mag papahinga n-na si Nanay. W-Wag ka nang u-umiyak," ngiting sambit nya habang tumutulo ang luha.

Pilit akong tumango at pinilit na mag salita. "I-kumusta mo p-po ako kay T-Tatay kapag nag kita k-kayo. M-Mamimiss kita"

Ngumiti sya sakin at tuluyan na kong iniwan. She left me. Naiwan na naman ako, umiiyak at nawawala.

+

Wala sa sariling nakaupo ako sa katabi ng kabaong ni Nanay. Alas syete na ng umaga pero ultimo pagod at puyat ay hindi ko na maramdaman, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa lungkot.

"Cleo, kumain ka na, ako na muna ang mag babantay kay Nanay," sambit ni Brenna. Sila ng Mama nya ang katulong ko sa pag aasikaso sa burol ni Nanay. Kaya laking pasalamat ko at nandyan sila.

"Salamat, Brenna. Mamaya na ako kakain," tipid kong sagot at pilit na ngumiti.

Kumuha si Brenna ng upuan at itinabi sakin. "Kahapon ka pang hindi kumakain. Mag pahinga ka muna kahit sandali lang. Hindi magugustuhan ni Nanay kung ganyan ka"

Wala talaga akong ganang kumain. Pero kailangan ko nga sigurong mag pahinga kahit sandali lang. "Uuwi muna ako sa bahay, Brenna. Salamat sa tulong nyo"

"Mabuti naman at napilit na kita ngayon. Sige at ako na ang bahala rito"

Sa isang chapel malapit sa amin naka burol si Nanay. Umuwi muna ako at naligo, nang matapos ako ay tiningnan ko ang phone ko at nakitang wala pang reply si Eli, tulog pa siguro sya. Hindi ko na binanggit sa kanya na nasa ospital si Nanay kahapon dahil mag aalala lang yun ng husto pero ngayon ay kailangan kong sabihin sa kanyang wala na si Nanay.

Pumasok ako sa kwarto ni Nanay at naalala ang sinabi nya. Ang kahon sa ilalim ng kama. Yumuko na ko at akmang aabutin na ng may kumatok sa labas.

Tumayo ako at pumunta sa labas. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang pamilyar na mag asawa. Hindi ako pwedeng mag kamali. Nakita ko na sila sa school noon.

Pero bakit sila nandito?

"A-Ano pong kailangan nyo?" nag aalalang tanong ko.

Nakita kong naiyak na ang babae at ang lalaki naman ay nakangiti sakin. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito.

"Pwede ba kaming pumasok, hijo?" tanong ng lalaki kaya napatango ako kaagad at pinapasok sila.

"Pasensya na po kayo. Maliit lang po ang bahay namin," nahihiyang sambit ko.

Pumasok sila at hindi na tiningnan pa ang bahay namin. "Nakikiramay kami sa nangyari kay Nanay Linda"

"Salamat po, Mr. Del Prado," formal kong tugon. Napatitig sila sakin at halatang nagulat.

"K-Kilala mo kami, hijo?" nag tatakang tanong ni Mrs. Del Prado at tumango ako. Parents sila ni Eli, at nakikita ko na nga sila madalas dahil mag kaibigan din ang Mama ni Deffi at Mama ni Eli.

"Do you know my daughter then?"

Nag taka ako at kumunot ang noo. Akala ko ay alam na nila ang relasyon namin kaya sila nandito.

"Yes actually she's my—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang unahan na ko ni Mrs. Del Prado.

"Sinasabi ko na nga ba! Akalain mo Alberto, matagal na pa lang magbkakilala ang mga anak natin!"

Parang huminto ang paghinga ko sa gulat. Anong ibig sabihin nito?!

"A-Ano pong i-ibig nyong s-sabihin?" gulat na tanong ko.

Hinawakan ni Mrs. Del Prado ang pisngi ko at tumango-tango. "We m-missed you so much, Simon"

T-This can't be! Really? Bullshit, this is— Fuck, she's not my sister! I need to wake up. Bukas ay ayos na rin ang lahat. Imposibleng kapatid ko si Eli, hindi pwede.

Life After LiesWhere stories live. Discover now