SEVENTEEN: POSSESSIVE

Start from the beginning
                                    

"Chill, ate. I know your little secret," bulong ko habang pinag mamasdan ang reaksyon nya. She looked mad. Pumunta ka dito sa pwesto ko tapos ikaw pa ang mapipikon? Too bad.

"How dare you to call me ate? Di kita kapatid!" she yelled at me and I just smirked at her in return.

As if gusto ko syang maging kapatid? "Easy, we're on the same page. Look at yourself, pag magkatabi tayo ay para lamang kitang alalay," I looked at her and from head to foot before I continued. "By the way, I like your shoes. Magkano ang bili ni George dyan?"

Gulat na gulat sya at naluluha na sa galit.Nginitian ko na lang sya at nag lakad papunta sa mga teammates namin. Sana may natutunan sya. Lesson learned, wag dadayo ng away kapag walang dalang armas. Nakakaawa, nagmumukhang talunan.

+

Ilang minuto pa dumating na ang coach namin at nagsimula na ang training. Hinati kami at pinaglaban. Ako ang middle blocker ng team at setter naman si Noimie sa kabila.
Pansin kong nilalakasan nya talaga ang palo para mahirapan kaming i-block kaya lang madalas outside. Nakapuntos sila pero habang tumatagal ay nalamangan namin.

Napansin siguro ni coach na wala sa laro si Noimie kaya pinagpahinga muna kami. "Fuentes! Anong nangyayari sayo? Masyado kang malakas tumira!"

Napatungo si Noimie at marahang tumango. "S-Sorry po, may iniisip lang"

"Ayusin mo yan at kung ano man yang problema mo ay sana wag mong dalhin sa court," sermon ni coach bago umalis sa harap nya at nagsimulang mag discuss sa iba.

Napatingin ako sa paligid. Maraming nanonood samin at nakakahiya dahil nasermonan sya sa harap ng maraming tao. Nilapitan ko sya at inabutan ng panyo. Nag angat sya ng tingin at tinitigan ako ng masama.

Bago pa sya makapag salita ay naunahan ko na. "Wag ka nang maarte. Kunin mo na, nakakahiya ka ang daming nakatingin"

Napatingin pa sya sa paligid at kinuha rin ang panyo ko."Bakit mo ito ginagawa? Don't tell me concern ka sakin?"

"Nope. Ang dami kong fans na nanonood. Gusto kong magpalakas sa kanila," mayabang kong sagot at nginisian sya.

Inirapan nya lang ako at pinunasan ang luha nya. "Plastic!"

"Mamahaling plastic," pagtatama ko at iniwan na sya.

+

Umalis si Coach pansamantala kaya naisipan kong pumuntang field kung saan nag lalaro sila Cleo. Hindi ko pa sya nakikitang maglaro dahil magkasabay ang training namin, madalas din silang matapos agad.

Bumili muna ako ng tubig at naglakad na papuntang field. Alam kong mas gusto nya ang tubig kaysa sa kung anong inumin kaya yun na lang ang binili ko. Sa susunod nga ay mag papahanap ako ng mamahaling tubig at bibilhan ko sya.

Life After LiesWhere stories live. Discover now