FOURTEEN: MIRROR

Zacznij od początku
                                    

So may instances na baka nakalaro ko na sya noon, o di kaya ay dati kong teammate. Or maybe he's pertaining to that Noimie girl? Well, I think not.

"Anong i-itsura nya? Baka kilala ko, ilalakad kita," I suggested and looked at him.

He licked his lower lip at nag pipigil sya ng ngiti."Really, gagawin mo yun?"

"Yes, coz why not? Sabihin mo lang sakin ang itsura nya o di kaya ay ang pangalan. Dati akong player kaya baka ka-team ko yun noon," paliwanag ko habang hinahawakan ang mga damo na inuupuan namin.

"How 'bout mirror. Do you have?"

Ha? Ano naman ang koneksyon ng salamin sa tanong ko? Wala naman akong nagawa kundi tumango na langat kinuha ang maliit na salamin sa sling bag ko at inabot sa kanya.

"Use that, mag salamin ka," seryoso at mahinahong utos nya.

Wait, what? Agad akong nag salamin. Dahil baka mamaya may dumi ako sa mukha pero wala naman. Agad akong lumingon sa kanya at pinag taasan ng kilay. Inaasar nya ba ko?

"You already know her looks. Pwede mo na ba kong ilakad sa kanya?"

WHAT? Gulat ko syang tinitigan at ngumiti lang sya ng nakakaloko bago tumayo at inabot ang kamay nya.

"Halika na, ihahatid na kita sa kotse mo. It's getting late"

Dala parin ng sobrang gulat ay napatango na lang ako at inabot ang kamay nya. Nag lakad kami hanggang sa makarating na kami kung saan naka parada ang kotse ko.

"Ingat ka. Mag text ka sakin kapag nakauwi ka na," he reminded.

Tumango ako at pilit na ngumiti bago kumaway. Sinarado na nya ang kotse at bahagya syang umatras. Tinapik nya ang hood ng kotse ko at pinaandar ko na.

+

Wala ako sa sarili hanggang sa makauwi ako at sinalubong ng iilang mga maids namin. "Hija, bakit ngayon ka lang? Ang Mommy at Daddy mo ay may inaasikaso raw"

"S-Sorry, Ya. May binili lang po ako," pinilit kong ngumiti bago nag lakad na papasok.

Umakyat muna ako sa kwarto at nag shower. Pakiramdam ko nakalutang lang ako hanggang ngayon. Ako ba talaga yung tinutukoy ni Cleo? Di kaya kamukha ko lang? Pero hindi! Nag iisa lang ang mukhang ito. I'm unique.

P-Pero kung ako nga yun, a-anong pwede kong gawin?

+

Tinapos na ang paliligo at agad na bumaba bago dumiretso sa kusina. Nakita kong nag luluto si Chef kaya naisipan kong mag tanong.

"Chef Jean, ano po yang niluluto mo?"

Bahagya syang lumingon habang nag hahalo. "Caldereta po, Miss Eli. Luto na ito. Maupo ka na"

Caldereta? Yun ang dala ni Brenna kay Cleo kanina! "Pwede mo po ba akong turuan nyan?"

Napatingin sya sakin sa gulat at kalauna'y napatango. "S-Sure, Miss Eli. Sabihan nyo lang po ako kung kailan"

Naupo na ako at hinayaan ang maid na lagyan ang plato ko ng pagkain. Mag sisimula na sana akong kumain nang mag vibrate ang phone ko at bumungad ang text ni Cleo at sinabing nakauwi na sya. 

Hay! Cleo, you're making my heartbeat so fast. Bahala na nga! Go with the flow na lang. Gosh I' am torn between taking the risk or ipagsa-walang bahala na lang.

Life After LiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz