TWELVE: OUT OF PLACE

Magsimula sa umpisa
                                    

Akmang aalis na sya nang biglang may nag salita. "Aling Tesa, sandali"

Napatingala ako sa narinig ko. My jaw dropped when I saw Cleo standing in front of me. Napalunok ako ng bahagya. I'm nervous!

"Cleo, o-order ka pa?" biglang nag bago naman ang to no ng pananalita ng babae at hinarap si Cleo.

Tumango si Cleo at naupo sa upuan sa harap ko. This isn't happening! A-Anong sasabihin ko kung mag tanong sya? N-Napadaan lang? Kainis.

"Sinigang po tsaka isang kanin. Samahan nyo na rin po ng iced tea, salamat," seryosong sambit nya na isinulat naman ng matanda babae.

Nabaling ako kay Cleo and I saw him na may kinukuha sa bulsa nya. Ang bayad pala! Nauna kong makuha ang pera sa wallet ko at mabilis na inabot ang nag iisang smaller bill ko, which is five hundred peso bill.

"Bayad po, wala kasi akong barya. Magkano pa po ang k-kulan" hindi ko na Natapos ang sinasabi ko nang hawiin ni Cleo ang kamay ko at inabot sa babae Ang perang hawak nya.

"Ito na po, Aling Tesa"

Nakita kong fifty pesos lang ang inabot nya at sinuklian pa. Tiningnan ako ng matanda nang may pag tataka bago umalis. Really? Ganon lang? Grabe nakakahiya!

Humarap sakin si Cleo kaya napaiwas ako ng tingin. "Anong ginagawa mo rito?"

Bahagya akong humarap sa kanya. Ano nga ba ang ginagawa ko dito. Well, kakain ako!

"K-Kakain, ano pa ba ang pwedeng gawin dito?" I said and rolled my eyes.

Tinitigan nya lang ako na parang bang ang laki ng kasalanan ko. "You're lying. Ikaw? Kakain sa ganito? Imposible"

I need to win with this argument or else iisipin nya na stalker ako! "Wala naman masama kung sumubok ng iba. Tsaka, ano ngayon sayo?"

Napapikit sya ng mariin at tumingin sa paligid. "Wag ka na babalik dito kahit kailan"

Napatungo ako at nag pakawala ng isang bunting hininga. Bakit ganon? May sakit ba ko? Nakakahawa ba?

"What I meant was, delikado dito kapag mag isa. Maraming tambay, go to the mall instead," he said defensively and then looked away. He cares?

Napalunok ako at marahang tumango. Natahimik na lamang ako at inintay hanggang makarating ang in-order nya.

"Kumain ka na. Alam kong di ka pa nakakakain nyan pero safe yan. Wala pa namang nababalita na namatay sa sinigang"

Tumango ako at nagsimula nang kumain. It taste good, kaya lang it's a bit sour. I'm not fond of sour foods but this one is really good. Mag papaluto ako ng ganito kay Chef Jean.

Wala na akong pakialam kung nasa harapan ko sya kahit pa medyo nakakailang. Pansin kong nakatitig sya sakin kaya napainom ako ng iced tea at lumingon sa table ng mga kasamahan nya. Nag ku-kwentuhan sila kaya nakaramdam ako ng hiya kay Cleo at sa mga kasamahan nya.

"A-Ah Cleo. Mukhang patapos na kumain yung mga kasama mo. K-Kaya ko na mag isa," mahinang sambit ko habang nakatingin sa kanya. Umiling lang sya ng bahagya habang ang mga mata nya ay hindi inaalis ang titig sakin.

"Pagkatapos mo ay ihahatid na kita sa sasakyan mo," seryosong sabi nya. Natango na lang ako at pinag patuloy ang pagkain.

Saktong pagkatapos kong kumain ay napabaling ako sa biglang pag dating ni Brenna sa table namin. Gosh, nakalimutan kong nandito pala sya. Tiningnan nya ko ng masama. Bago bumaling kay Cleo. Oops, sorry.

"Cleo, mauuna na ko, sila Edwin din mauuna na. Bilisan mo na dyan, baka mahuli ka," pasaring na sabi nya bago ako tinapunan ng tingin. Binalewala ko na lang sya at nilingon ang gawi ng mga kasama nya. Nakita kong sumenyas sila kay Cleo bago lumabas.

"Sige, salamat nga pala sa Caldereta," mahinahong sagot nya kay Brenna at bahagyang ngumiti. And what's Caldereta? Is it masarap?

Tinapunan nya ako ulit ng tingin bago tuluyang umalis. Umiling na lang ako at muling humarap sa kasama ko.
"I'm done. Thanks for the food"

Tumango sya tumayo na kaya agad din akong napatayo. Oo nga pala! May sasabihin ako sa kanya!

Naglakad na sya kaya sumunod naman ako at nag aalinlangan kung sasabihin ko ba sa kanya ang nalalaman ko.

"Cleo, sandali. May mahalaga akong sasabihin," I called him, bahala na.

Nilingon nya ko at tinaasan ng kilay. "May trabaho pa ko"

Oo nga pala. Agad akong tumango at pilit na ngumiti. Sa susunod na lang siguro or better yet, wag na lang.

"Sure, it's okay. Wag na lang," I said with finality and nodded.

"Mamaya"

A-Anong mamaya?

"Mamaya, kung free ka. Mag usap tayo," he said monotonously. Napalunok ako sa sinabi nya. Di ko alam kung anong sasabihin ko kaya napatango na lang ako.

"P-Paano tayo m-magkikita?" nalilitong tanong ko.

Inilahad nya ang kamay nya sakin at binalewala ang tanong ko. Anong ginagawa nya? Bakit kailangan mag hawak-kamay?

I was about to put my hand on him kaya lang nag salita sya. "Give me your phone. I'll give you my number and I'll get yours"

Oh crap! I thought err nevermind! I handed him my phone at nag tipa sya ng kanyang numero at kinuha rin ang sakin bago ibinalik.

"Ihahatid na kita sa sasakyan mo. Magkita tayo mamaya," he said at nauna nang naglakad sakin samantalang ako ay naka sunod lang.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero siguro naman hindi ako kinikilig. No way.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon