Goodness! Ano 'to?! Pink fiesta?

After the breakfast, sabay-sabay na kaming pumasok sa campus. Wala namang nagbago sa mga pagkain, sobrang weird lang talaga. Nakakaloka!

'Yung milk katanggap-tanggap pa, strawberry! 'Yung fried rice at saka soup, food color lang pala. Nakakaloka 'yung soup, akala ko strawberry na pinakuluan, mushroom soup pala na may food color. Kakaloka talaga 'tong mga lalaking 'to but in all fairness, nakakakilig.

They dyed the food in my favorite color, sweet 'di ba? Ganiyan ako kaganda.

We're currently inside the classroom at tahimik lang kaming nakikinig sa discussion ng Professor naming bagong rebond. Ganda ni ate girl e! Ganiyan ako dati, mas gumanda lang talaga ngayon. Charot.

Natigilan ang Professor sa pagsasalita nang mayroong kumatok sa pintuan, She opened the door. Lagi kasing nakasara ang mga door dito dahil air-conditioned ang room, hindi mo kaya! Yamanesa!

"May I excuse Blake, Nick and Tayler?" She asked, tiningnan ko ang tatlo at bakit hindi kasama si Tony? Out of place si bakla! Ako nalang, sasamahan kita hanggang sa pagtanda. Eme!

"Excuse me boys.." Malanding sabi ng Professor ng may kasamang irap, suplada! Taka akong humarap ako kay Tony at kinalabit siya, alam kong naiinis siya sa pangungulit ko dahil kasalukuyan siyang nagsusulat pero whatever, ganda ganda ko para balewalain.

"Tony... Anong meron?" I asked him pero ang suplado, nagkibit balikat lang siya at bumalik na sa pagsusulat.

Itong supladong 'to! Halikan kita d'yan e! Hihihi

Natapos ang klase at hindi parin bumabalik silang tatlo, instant cutting na! Sana all, nakita kong nagligpit na ng gamit si Tony kaya ginaya ko ang ginawa niya, inggitera ako e!

Naunang lumabas si Tony kaya napairap nalang ako sa hangin, sino kayang kasabay ko bumalik sa deluxe house? Baka ma-rape ako! Shokot talaga!

Nakalabas ako ng classroom at may nakita akong papel na nakadikit sa announcement board. Lumapit ako at binasa ito, malay mo audition na pala 'to para sa bagong Victoria secret angel, edi bongga!

---

Announcement to MDG members:

Official practice tomorrow, 1pm at the dance room. Please bring your things and especially your self. Your attendance is a must! Thank you!

Kyle

----

Ay Nakakaloka naman si Kyle! Hindi pa nga ako nakakapagpaalam kay pudrakels e! Tapos practice kaagad?! Hindi pa ready ang kabaklaan ko!

Natigilan ako nang magvibrate ang phone ko, sino kaya 'to? Boyfriend ko? Charot.

It's Daddy.

From: Father earth
Home.

Gusto kong umirap ng malala, 'yung aabot sa mars at moon! Nakakaloka naman 'tong Tatay ko, abogado pero napakatamad magtype. Wala na ba siyang ibang alam i-type kung hindi home? Nakakaloka siya!

Stuck In My Rainbow IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon