✧ 026

309 23 20
                                    

G Y U R I ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

G Y U R I ' S

Wala akong gana pumasok ngayon, grabe. Kung alam ko lang na mas magulo pa sa mga lessons namin 'tong lovelife na 'to, edi sana di ko na lang pinasok dati pa.

Nakapahalumbaba lang ako dito sa desk ko habang nakikinig sa teacher . Actually, di din naman napasok sa utak ko yung mga dinidiscuss niya hshs.

"Okay class, so I'll be the one to announce kung sino-sino ang mga magkaka-partner for MAPEH subjects' project this last quarter." imik niya ulit pagkatapos niyang mag-discuss ng lesson.

Napahikab naman ako. Aish, bakit ba ako ganito ngayon? Tamad na tamad amputa. Gising Gyuri huy!

Gumising ka na sa katotohanang wala na kayong pag-asa ni Yedam.

Tangina self, nagdadrama ka nanaman.

"Kayo ang pumili, Miss? Hindi po kami?" tanong ng class president. Umiling lang naman ang teacher namin sa kanya. Halatang nadismaya ang mga kaklase ko dahil doon habang ako, wala lang.

Tuluyan na lang akong tumungo sa desk ko at pumikit ng sandali.

"Hwang Gyuri and Bang Yedam."

Teka.. Ano?!

"Po?!" sabay na tanong namin ni Yedam. Oh wow, pag sinwerte ka nga naman.

"May problema kayo sa pagpili na ginawa ko?" tanong na pabalik samin ng teacher, tinaasan niya pa kami parehas ng kilay. Sino naman kami don.

"Wala po, Miss.." tanging imik na lang ni Yedam, napailing naman ako.

Bakit ngayon pa? Jusko naman. Ayoko nga muna kausapin 'yang lalaking 'yan tapos..

Hindi, Gyuri! Magandang opportunity 'to para sayo, para sa plano mo!

Kung mas lalo akong mapapalapit kay Yedam.. Mas magiging madali na mapapakita ko sa kanya kung gaano ako nagsisisi sa lahat. At kung gaano katotoo na mahal ko pa din siya hanggang ngayon, na ni minsan ay hindi 'to naglaho o nagbago.

Kung ano ang nararamdaman ko bago ko siya tuluyang iwanan, parehas pa din 'yon sa nararamdaman ko para sa kanya ngayon.

Napatingin ako sa direksyon niya at halos magulat ako ng makitang nakatingin din siya sakin, pero halatang may irita sa mga mata niya.

Binigyan ko na lamang siya ng isang pilit na ngiti.

Binigyan ko na lamang siya ng isang pilit na ngiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐWhere stories live. Discover now