✦ 013

305 25 7
                                    

G Y U R I ' S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

G Y U R I ' S

Kakatunog lang ng bell, meaning na lunch break na. Inayos ko muna ang mga gamit na nakapatong sa table ko bago tuluyang tumayo.

Napansin ko namang papunta sa direksyon ko ang presensya ni Yedam.. Omg. Teka lang naman, hindi ko alam kung anong gagawin ko!

Okay, relax Gyuri, act cool. Kunwari kinatuwa mong na-confiscate yung phone niya kanina.

"HAHAHA! Uy Yeda-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong daanan at saka sinara ng malakas ang pintuan ng room namin na nasa gilid ko lang.

Lalabas lang pala siya hshshs.

Napatingin tuloy sa akin ang mga natitirang estudyante sa loob. Binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti at saka sumunod na lumabas.

"Bang Yedam!" sigaw ko sa hallway pero halatang dinedeadma lang niya ako.

Tumakbo ako para abutan siya kaso may biglang sumulpot sa harapan ko dahilan para magka-bungguan kami.

Nakatalikod siya sa akin at mukhang hindi nasaktan sa nangyari kaso yung noo ko, ang sakit.

"Magkaklase kayong dalawa?" biglang imik nito at saka humarap sa akin.

Siya nanaman.

"Bakit hindi ko alam?" tanong niya ulit.

"Hindi mo naman kailangang malaman pa."

"Yah. Baka nakakalimutan mong kapatid mo ako at magkasama na tayo sa iisang bahay ngayon." sarkastiko akong tumawa dahil sa sinabi niya.

"Kailan ka pa natutong mangialam pagdating sa akin ha, Nari?" magpapatuloy na ulit sana ako sa paglalakad ng bigla niya akong hawakan sa braso.

"May karapatan akong mangialam kapag gusto ko, Hwang Gyuri." I glared at her at tinanggal ang pagkakahawak niya.

"Hindi na ako katulad ng dati, unnie." bulong ko.

Ramdam ko siyang iritang ngumisi bago tuluyang iwanan siya sa kinakatayuan niya. Hindi niya na ako pinigilan pa, wala din naman siyang magagawa.

Ibabalik ko sa tama ang lahat.

Ibabalik ko sa tama ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon