✧ 016

318 22 25
                                    

Y E D A M ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Y E D A M ' S

"Pass your homeworks forward." instruction sa amin ng adviser namin. Lumingon naman ako sa taong nasa likod ko at hinintay na maipasa niya sakin yung mga papel.

Hindi ko maiwasang mapansin si Gyuri mula sa likod ng kabilang side ng classroom. Pasimple niyang tinignan ang teacher na nasa harap at parang nag-iisip.

"Uy, Yedam." biglang humarang sa paningin ko ang isang set ng papel na inaabot na pala sakin.

"S-Sorry.."

"Nakapagpasa ba ang lahat?" tanong ni Sir pagkatapos niyang kolektahin ang mga pinasa namin.

Napatingin siya sa likod, pati na din ang mga ibang kaklase ko. "Ms. Hwang?" napalingon ulit ako, tumayo naman si Gyuri mula sa upuan niya at saka nagsalita.

"I'm sorry po Sir.. Hindi ko po kasi naisulat sa notes ko kahapon yung page na kailangang sagutan.. Sorry po, hindi ako nagawa." at saka siya nag-bow.

"Bakit hindi ka nagtanong sa mga kaklase mo?"

Nagtanong.. Kaya ba siya nag-message sakin kagabi?

"Uh.. Wala po kasi akong contact sa kahit kanino dito. Wala pa din naman akong kakilala sa kanila.."

Walang kakilala? Eh anong tawag niya sakin?

"Hala, sorry Gyuri! Nalimutan kitang i-add kahapon. Sorry din po Sir!" imik ng class president namin.

"That's fine Taeyoung-ssi, paki-add na lang siya sa group chat ng klase niyo kung meron man kayo. And Gyuri, bibigyan kita hanggang bukas para ipasa sa akin 'yang homework mo. If you still failed to do it, I have no choice but to give you a zero."

"Okay po Sir." at saka siya umupo.

"And one more thing, may Student Council member ba kayo dito?"

"Wala po." sagot namin.

"Yedam, diba ikaw ang representative ng SHS sa Glee Club?"

"Yes, Sir. Bakit po?"

"Kindly tour Ms. Hwang around the school, ako na ang bahala mag-excuse sa inyong dalawa sa mga subject teachers niyo."

Ha?

Teka lang naman, hindi pwedeng ako!

"Pero Sir"

KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐWhere stories live. Discover now