✧ 002

531 30 28
                                    

Y E D A M ' S

"What did love even mean?

You're the only one missing in the world

But it feels like I've lost everything

Ireon naege dodaeche.."

Napatigil ako ng ilang segundo at hiyang ngumiti sa mga audience. Agad na napalitan ang katahimikan nila ng mga tili.

"Waeyo? Waeyo? Waeyo?

Neo eopshin wae naneun andwenayo

Dodaeche waeyo? Waeyo? Waeyo?

Just tell me neo anim andwenayo

Why can't it be us?.."

Last day na ng Festival Week namin ngayon, at syempre hindi 'to kumpleto kapag may ni isang club na hindi nag-perform sa isang linggo na 'yon. Kaya eto kami ngayong mga Glee Club members, mas pinili na mag-solo-solo muna para maiba naman daw.

At ito ang pinili kong kanta para mas natural ang emosyon na ipapakita ko sa mga tao.

"Go, Yedam-ah! Bang Yedam!!" napatingin ako sa babaeng sumisigaw at nag-ccheer sa akin mula sa audience habang may dala-dalang camera, napangiti ulit ako at nagpatuloy sa pagkanta.

Patuloy lang ako sa pagtugtog ng gitara ko, dahil dito ay mas lalong lumakas ang mga tilian. Nakisabay sila sa tono at nag-hum katulad ng mga ginagawa ng mga tao sa mga concert.

"Can't you be with me?

Just stay with me

If I silently forget you and wait

Will we be able to meet again

Like destiny?"

Napatingin ako sa audience para makita ang mga reaksyon nila, lalo na't nanahimik ulit sila ng kumanta muli ako.

Pero sa hindi kalayuan ay may naaninag akong pamilyar na babae.

"Gogaerado, answer me.."

Napabagal ang pagkanta ko ng ma-realize ko kung sino 'yon.. Bumalik siya.

Bumalik ka.

"Even if it's a lie.. Answer me.. Answer.. Me.."

"Ayoko na. Nakakasawa na 'tong ginagawa natin, Yedam."

Pero hindi 'yon ang sagot na ineexpect kong marinig mula sayo noon..

"Yedam!" napalingon ako kay Nari na tumawag sakin mula sa audience, ngumuso siya sa gitara ko dahilan para makita ko ang naputol na string mula dito.

Ang sakit. Ang sakit, sakit.

Kakapalit ko lang last week ng string nito! Huhu.

Agad na napansin 'yon ng mga estudyanteng nanonood, sabay-sabay pa silang nag "Aw." dahil sa nangyari.

"Mian! Technical difficulties po." sabi ko habang nakahawak sa batok ko, agad akong tumayo at nag-bow sa kanila.

"KAHIT DI MO TAPUSIN YUNG KANTA, IDOL KA PA DIN NAMIN KUYA!" sigaw naman ng isang audience at saka malakas na pumalakpak, na ginawa din ng iba.

Napangiti naman ako at nag-bow muli. Pero nakakaiyak pa din, yung string.. Ipapaayos ko nanaman.

Bababa na sana ako ng stage ng mapansin kong may pumapalakpak din na babae mula sa kalayuan.. Parehas kaming nakatingin sa isa't isa. Nakita ko muli ang ngiti sa mukha niya, at kumaway sakin.

Gyuri.

Mas pinili kong hindi na lang siya pansinin at saka bumaba papunta sa side ng stage kung saan naman naghihintay at nanonood sina Jeongwoo.

"Huy, ayos ka lang? Yung gitara mo.."

"Ah, okay lang 'to. Papapalitan ko na lang ulit ng string."

"Bakit ka ba kasi natulala kanina, ha? Para kang nawala sa focus bigla."

"Ano kasi.. Nakita ko si Gyuri."

"Gyuri? Sinong―"

"Ex ko."

"Nagkajowa ka na?!"

"Nagkajowa ka na?!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

STREAM WAYO

KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐWhere stories live. Discover now