✧ 054

323 20 15
                                    

G Y U R I ' S

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

G Y U R I ' S

Flashback.

Papauwi na ako mula sa date namin ni Yedam. Alam kong hindi siya gaano mahilig sumakay sa mga extreme rides pero pinili ko pa ding mag-date kami sa isang amusement park. At dahil malakas ako sa kanya, napasakay ko sa lahat ng rides na sinakyan ko din HAHAHA! Hindi naman pwedeng ako lang mag-isa sumakay doon no, ang lonely.

"Hello, Ma?" imik ko kaagad pagkatapos sagutin ang tawag ni Mama.

Pero madaming hagulgol lang ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Mama? A-Anong nangyayari? Bakit kayo umiiyak?"

"Pauwi ka na ba? Dito ka na lang sa ospital dumiretso.. S-Si Nari.. Sumuka ng dugo kanina.. Tapos.. Puro pasa pala ang k-katawan niya.. Hindi niya sinasabo sa atin.."

"O-Opo! Papunta na po ako diyan!" tinago ko ang cellphone sa bag ko at tumakbo ng mabilis papuntang bus stop.

Please be okay, unnie..

# ✧ ㅡ

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na matagal ka na palang nagpapacheck-up dito ha, Hwang Nari?! Hindi mo ba alam kung gaano 'to kaimportante para sa amin ng mama mo?!" nakakaawa naman si unnie.

Nalaman na nga naming may Leukemia na siya tapos pinapagalitan pa siya ngayon ni Papa.. And worst, stage 3 na pala ang sakit niya.

"Papa, tama na po 'yan, please. Pahinga ang kailangan ni unnie, hindi sermon." pag-awat ko sa kanya ng hindi pa din tumitigil.

Nasa labas lang si Mama, hindi pa din tumitigil sa pag-iyak, ayaw niyang pumasok dito. Ayaw niyang makita ang panganay niyang namumutla't may pasa kahit saan. Mas lalong ayaw niyang makita ang mga wire na nakakabit sa katawan ni unnie ngayon.

Lumabas din si Papa ng kwarto at sinamahan si Mama sa labas. Naiwan kaming dalawa ng kapatid ko dito sa loob. Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto.

"Para saan pa ba kung sasabihin ko sa inyo 'tong kondisyon ko? Hindi niyo naman ako magagamot." imik nito sa akin.

"Pwede ba, kahit ngayon lang, maging positive ka naman? Kahit ako naiinis sayo."

"Edi umalis ka na din dito, samahan mo sina Papa doon sa labas."

"Naiinis ako sayo pero hindi kita hahayaang malungkot mag-isa dito."

KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ