"Am I not allowed here?" Pabebe niyang tanong, sino ba 'to? Kung makaasta akala mo naman! Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya humarap siya, She looked at me from head to toe.

Not me! Maganda pa ako sa mga model sa ibang bansa!

"Who's this? Your friend? Uh, Bro?" She asked habang diretso parin ang panghuhusga sa itsura ko.

"Hindi. This is Rans.." Tayler answered, mapabalikwas naman si Sunshine the shine shine at naglahad ng kamay sa'kin.

"Hi, My name is Sunshine but my friends call me Shine. We're not friends so you're not allowed to call me Shine, just Sunshine." She introduced herself dahilan para lalong mag-init ang kabaklaan ko.

Pinagsashabu nito?

Siya lang 'yung Sunshine na hindi nakaka shine ng araw, dapat sa kaniya kuyukot pangalan e! Nakakadilim kasi siya ng mata, shokot.

"Hello.." I greet her back, baka kasi sabihin niya bastos ako. Well infact, bastos naman talaga.

"By the way, I'm Tayler's girlfriend and I'm happy the He found another friend aside from Blake." Nakangiti niyang sabi dahilan para maglaho ang ngiti sa maganda kong mukha, I looked at Tayler para manghingi ng sagot.

"Rans-" I cut him

"It's okay, Tayler. Tapos narin naman 'yung ride nila, pupuntahan ko nalang sila." Pagpapaalam ko para pigilan niya ako, marupok ako baby! Sabihin mo lang na ako ang mahal mo, hindi ako aalis promise!

"Oh, take care!" Malanding sabi ni Sunshine the shine shine na hindi nagsa-shine. Kakaloka, maganda siya pero mas maganda ako.

Nakakaloka ah!

--

Inhale... exhale.... inhale... exhale...

Si Tayler may girlfriend na? So ano ako? Substitute? Desert? O baka naman side dish?! Shutangina naman! Sa ganda kong 'to, nasa choices lang ako?!

"Beks! Beks!" Natigilan ako sa paghinga nang may tumawag sa'kin, kasalukuyan kaming nasa restaurant sa loob ng campus. Pagtapos nilang mag rides ay napagdesisyunan naming kumain na at dahil sa nangyari kanina, wala ako sa mood.

Baka kung sinong mang-inis sa'kin, tusukin ko nalang ng tinidor.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganiyan peslak mo?" Tanong ni Edrianne at bahagyang hinawakan ang mukha ko.

"Wala." Matipid kong sagot

"Anong wala?" Tanong niya, nakakairita! Gusto ko lang mapag-isa at kung hindi man, gusto ko lang ng tahimik na lugar.

"Ang ingay mo, e' kung kotongan kaya kitang bakla ka?" Pananakot ko sa kaniya, sa nangyari kanina, wala ako sa mood makipagchikahan. Gusto kong mag-isip kung sino ba sa kanila ang una kong babalatan gamit nail cutter?

"Kaya mo ba akong kotongan ha?" Panghahamon niya, I held her hands and I smiled at her.

"Kaibigan kita e' kaya hindi kita kayang kotongan.." I said at hinawakan niya ang dibdib niya at para bang tuwang tuwa sa nangyari. Inagaw ko ang kamay niya at nginitian siya ulit.

"Hindi ko kaya.... kasi kayang kaya!" I said, kinotongan ko siya kasabay ng pag-irap ko. Akala mo ha! Aakto pa sana siya ng ganti kaso lang biglang sumigaw si Charlotte dahilan para yumanig ang buong mundo.

Kakaloka! Sakit sa eardrums ha!

"Beks wag kayong maingay paparating na sila!" Kinikilig na sabi ni Charlotte at pagiling giling pa habang nakaupo, nakakadiri.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now