Chapter 21 - A Sky of Love

2.7K 120 9
                                    

Chapter 21 - A Sky of Love

Official Soundtrack - All of the Stars by Ed Sheeran


Zoey's POV


Mabilis akong tumakbo hanggang sa nakarating ako sa parking lot kung saan naghihintay 'yung driver na susundo sa akin.


Pero bago pa man ako makasakay ay hinatak ni Lyndon ang kamay ko. I immediately turned to look at him.


"Zoey, sorry na naman oh," sabi niya.


Bago ko pa man siya sinagot ay pinunasan ko muna ang mukha ko na halos mapuno na ng luha.


"Lyndon, sana hindi mo nalang pinatulan eh, kilala mo naman si Drake 'di ba?" sagot ko naman.


Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. Then, he took a grip on my shoulders at muling nagsalita.


"Look Zoey," he started habang tinignan ako sa mata. "I was just trying to protect you, okay?"


"Oo alam ko. Ever since 'yan naman talaga ang palagi mong ginagawa for me eh, pero Lyndon kaya ko namang protektahan ang sarili ko," sagot ko at agad na sumakay sa sasakyan.


Naging tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa dumating na kami sa bahay.


Nang pumasok naman akong nakasimangot sa bahay ay agad akong sinalubong ni yaya.


"Oh, ano naman ba ang nangyari sa 'yo Zoey at tila hindi mai'pinta 'yang mukha mo?" sabi niya.


"Problema lang sa school yaya, pero just don't mind me, sanay na naman ako eh," sagot ko.


Agad naman akong nilapitan ni yaya. Well, all these years, halos si yaya nalang talaga palagi ang nagcocomfort sa akin tuwing may problema ako. Eh, busy naman talaga kasi masyado sina mommy at daddy sa business, at bilang maunawain akong anak, eh naintindihan ko rin naman 'yon.


"Hay nako Zoey, alam mo, gagawan nalang kita ng special fruit shake ko na favorite mo for dinner para gumaan-gaan naman 'yang pakiramdam mo, okay?" sabi ni yaya sabay tapik sa balikat ko.


"It seems like a good idea! Sige, akyat na muna ako yaya, just knock on my door if dinner is served," sabi ko at agad na umakyat sa kwarto ko.


Agad kong nilapag ang bag ko sa study table ko. Nagbihis na rin ako ng comfy clothes at tsaka humiga sa kama with my iPod and earphones on.


Grabe, ang daming nangyari sa araw na ito. Nakakapagod. Anyway, buti nalang nandito ang isa sa mga stress reliever at buddy ko - music!


Music therapy!


I shuffled my playlist at biglang nag-play ang Stay With Me by Sam Smith. Tss, naalala ko pa 'yung nangyari kanina.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon