Chapter 12 - Would You Catch Me?

8.7K 185 24
                                    

Chapter 12 - Would You Catch Me?

Official Soundtrack - You Got Me by Colbie Caillat

Drake's POV

Back to reality na naman. Parang halos lahat ng nasa High School Building ay may hangover sa naganap na Acquaintance Party and I'm pretty sure lahat dito magkakakilala na kaso lang hindi ko nakilala ang Ice Princess na nakasayaw ko.

Bakit Ice Princess?

Kasi maganda siya, isang prinsesa material, kaso lang, kapag nagsasalita, pansin ko ang coldness niya at ang tigas ng puso niya na para bang yelo.

Nasa cafeteria kami ngayon, break time kasi and as usual, nagkukumpulan lahat ng estudyante dito. 

"Dude, kailan mo ba balak simulang hanapin ang tinatawag mong Ice Princess?" biglang pag-open up ni Tyler.

"Tss, matagal pa naman ang Graduation Day 'di ba? Kaya chill lang kayo." mahinahon kong sinabi.

"Ikaw talaga, ang sabihin mo, gusto mo pang makipaglandian for the last time bago mo pahulugin ang loob ng Ice Princess mo." sabi naman ni Lance.

Tumawa nalang ako nang marinig ko ang sinabi ni Lance. Totoo naman eh, baka kasi kung magsimula na akong magmagandang loob sa Ice Princess na 'yun, I'll be locked out at dapat hindi na ako makipag-landian sa iba. Kailangan kasi kami pa rin hanggang sa huli.

"Tama! Magkaibigan talaga tayo." sabi ko sabay apir kay Lance.

"Pero binabalaan lang kita, dude. Baka sa oras na malaman mo ang tunay na identity ng babaeng 'yon, may boyfriend na siya. Ano pa ba magagawa mo?" seryoso namang sinabi ni Nathan.

Natigilan ako sa kakatawa. Pero agad namang bumawi. Napansin ko ang pagiging seryoso nitong si Nathan these past few days. Ano kayang nangyari?

"Dude naman. Eh lupa nga naaagaw, mag-asawa nga napaghihiwalay, eh magboyfriend at girlfriend pa kaya?" sabi ko.

"Tss. Si Drake Evan Salazar 'yan oh!" sabi naman ni Lance.

Anyway, dala-dala ko pa rin ang isang pares ng heels ng Ice Princess, hoping na may maghahanap 'nun dito. Pero parang wala naman yata siyang pakialam.

Tss. Kailangan ko na ngang mahanap ang Ice Princess na 'yun, may point rin naman si Nathan. Tsaka sa panahon ngayon, madali nang tumakbo ang oras kaya dapat magmadali na rin akong hanapin ang babaeng 'yun.

Well, I must temporarily end my game, or what they called the Casanova's Game and start a new beginning to find that Ice Princess.

"Paano ko kaya hahanapin 'yun? Saan ko siya hahanapin? Saan ako magsisimula?" sabi ko.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon