Chapter 30 - Take Time to Realize

942 18 0
                                    

Chapter 30 - Take Time to Realize

Official Soundtrack - Realize by Colbie Caillat


Zoey's POV


"Good night, Zoey," sabi ni Drake at tsaka hinalikan ang noo ko.


Bigla nalang akong nagising sa pagkakatulog nang hindi man lang naririnig ang malakas na tunog ng alarm clock ko.


May panaginip kasi ako. Well, nanaginip ako na hinalikan ni Drake ang noo ko, ang weird nga eh, kasi tulog din ako sa panaginip ko kaya wala tuloy akong nagawa para mapigilan man lang ang asungot na 'yon.


I rubbed my eyes at nabigla nalang when I felt something on my forehead. Natigilan ako from rubbing my eyes and instead, hinawakan ko ang noo ko. Agad kong kinuha nang maramdaman kong may papel na nakadikit dito.


Actually, sticky note siya.


You are the light of my world,

The music in my heart and,

The first thought of my day.

I hope I'm yours too.

Good morning sleepyhead! :)


Napangiti nalang ako habang binabasa ko ang mensahe sa papel. Ang thoughtful naman nito, but wait, kanino ba galing 'to? Hmm.


Habang nag-iisip, bigla nalang tumunog ang alarm clock ko.


♫ ♪ If you just realize what I just realized, Then we'd be perfect for each other, ♪ ♫

♪ ♫ And we'll never find another. Just realize what I just realized. ♫ ♪

♫ ♪ We'd never have to wonder if we missed out on each other now. ♪ ♫


Napangiti tuloy ako habang pinatay ito. Paano ba naman kasi, tumpak ang kantang nakatugtog dito. Ewan ko ba kung may buhay ba 'tong alarm clock ko, para kasing tugma palagi ang kantang tinutugtog nito sa napapakiramdaman ko.


Well, take time to realize, Zoey.


Napalunok nalang ako when I remembered what happened last night. Si - si Drake ang huli kong nakasama kagabi. Actually, halos whole day yesterday. Don't tell me siya ang may gawa nito? Hmm.


I've always know how Drake could be so sweet. Naramdaman ko 'yun 'nung naging kami pa. Pero kung ano naman ang ikina-sweet ng lalaking 'yon, eh ganun din naman ang pagka-playboy niya.


Siguro 'nung umulan ng kagwapuhan, nakapayong siya, kaso lang nabutas kaya basang-basa siya. Pero 'nung bumagyo naman ng kahambugan, panigurado, lunod na lunod siya dito.


Te - teka, hindi kaya, totoo rin 'yung paghalik niya sa noo ko?


The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon