Chapter 22 - Does Forever Exists?

2.5K 126 8
                                    

Chapter 22 - Does Forever Exists?

Official Soundtrack - Stay With Me by Sam Smith


Drake's POV


Nabigla nalang ako nang bigla kong makita sina Tyler, Lance at Nathan. Paano nila nalaman na nandito ako? Well, mukhang best friends nga talaga kami.


"Dude, hindi ka man lang nagpaalam. Ano, tuloy pa ba plano mo or . . . ?" tanong ni Lance na mukhang nagtataka.


"Hindi na," sagot ko naman.


Nilapitan nila ako habang ako naman nakatingin ulit sa mga bituin sa kalangitan. Seconds later, I noticed them sat beside me.


"So ibig ba sabihin nito, pogi points goes to Lyndon?" sabi naman ni Tyler nang pabiro sabay tawa.


I looked at him and smirked. Then, I began to answered his question.


"Well, hindi na muna. Ibigay muna natin kay Lyndon ang limelight, kasi 'pag nasimulan ko na, wala nang atrasan," paliwanag ko.


"Kung sa bagay, ikaw yata si Drake Evan Salazar," sabi naman ni Nathan.


Yeah right!


Sabay-sabay kaming nagtawanan.


"So, ano? Arcade tayo, tutal wala namang assignments and tests?" pag-imbita ni Tyler.


"Game ako diyan," sabi ni Lance.


"Ako rin," dagdag pa ni Nathan.


Sabay silang tatlong tumingin sa akin na para bang nagtatanong ang mga tingin nila.


"Si - sige!" tanging sabi ko.


Hanggang ngayon nababagabag pa rin kasi ako. Naunahan pa talaga ako ng Lyndon na 'yun! Pero like what I said, it's his time. Sa kanya na muna ang spotlight ngayon, kasi the next time, I'll block that spotlight nang ako ang makita ni Zoey.


Agad silang tumayo, pero nanatili pa rin akong nakaupo.


"Susunod nalang ako," pagpapaalam ko.


"Sige, hintayin ka nalang namin sa Gate 2," sagot naman ni Lance.


I just nodded at agad-agad naman silang tumakbo pababa ng building.


Ilang minuto ang nagdaan ay naisipan ko na ring bumaba para sundan sina Tyler, Lance at Nathan.


The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon