Chapter 5 - Turning Point

11K 265 20
                                    

Chapter 5 - Turning Point

Official Soundtrack - Just Give Me A Reason by Pink

Zoey's POV

It's a typical day at school ngayon, at usap-usapan na ang break-up namin ni Drake. Well, at least for the moment, naging buzz ang pangalan ko sa buong campus. Eh, ex-girlfriend ka ba naman ng isang heartthrob na G4 leader. Hmmm. Alam kong karamihan, nasisiyahan sa break-up namin, most especially the desperate ones.

"Thank goodness at hindi na gumagana ang magnet o ang gayuma mo kay Drake!" sabi ng isang bruha.

"Tama! Kasi, nagising na si Drake sa katotohanan, na isang witch, at hindi prinsesa ang naging girlfriend niya, este ex-girlfriend na pala." sabi pa 'nung isa sabay tawa.

"Kung ayaw niyong kulamin ko kayo, umalis na kayo sa paningin ko." I said with my cold eyes and with a cold tone.

"Oh! So marunong na palang sumagot ang nerd na ito!" sabi nila sabay halakhak.

"Tss." I said while rolling my expressionless eyes sabay lakad palayo sa kanila.

Break time ngayon, at nagkumpulan lahat ng tao patungo sa cafeteria.

Tahimik lang akong umuupo at kumakain ng snacks mag-isa. Siyempre, hindi pa kami bati ng mga kaibigan ko, at ngayong nagbago na ako, malabo nang mangyari 'yon.

Rinig na rinig ko ang malalakas na bulongan ng mga tao sa cafeteria. For sure, ako lang ang pinag-uusapan ng mga 'yan. But, who cares?

Well, I don't care.

Maya-maya, may dalawang babaeng pumasok sa loob ng cafeteria at halos lahat nakatitig sa kanila, with eyes and mouth, wide open. Then, muli ko na namang narinig ang bulong-bulongan sa paligid.

Nilakasan ko ang sense of hearing ko para marinig ang piag-uusapan ng nga babaeng nakaupo sa likod ko.

"Hey, look who's back! Si Athena!" sabi ng babae, shocked.

"Bakit pa siya bumalik? Sino ang babalikan niya dito? Si Drake?" sagot ng isa pang babae.

"Leche siya! Matapos niyang saktan at iwanan si Drake, siya naman ngayon ang maghahabol?" galit na sabi ng babae.

"Oo nga! Alam niyo, siya ang rason kung bakit naging playboy 'yang si Drake eh. Noon kasi, dream boy siya ng bawat babae, pero ngayon, nako, bumastos na!" galit na patutsada ng isa.

Teka, bakit nadawit ang pangalan ni Drake dito? Anong koneksyon ang mayroon si Drake at ang Athena na ito? Hmmm.

Habang kumakain, ay nakita ko si Drake na tumayo at umalis palabas ng cafeteria. Pero, nagkasalubong sila ni Athena, at muling tumahimik ang paligid. I am feeling the tension between both of them.

Then, agad na umiwas si Drake with a pissed expression.

Siguro, I can hypothesize na si Athena ang ex-girlfriend ni Drake noon? Hay nako, bahala na nga sila. Wala na akong paki sa paligid!

"Miss, pwede bang makiupo, wala na kasing ibang empty table eh." sabi ng isang boses ng babae.

I turned to look kung para makita kung sino ang taong nasa likod ng boses, then I found out it was Athena at ang kaibigan niya. I just nodded and turned my head to my food.

"So, I heard that you are the ex-girlfriend of Drake." sabi niya with a smile.

So tama pala, siya ang ex-girlfriend ni Drake. Well, what happened to him? Ginayuma? Charmed?

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon