Chapter 4 - Benumbed Heart

11.8K 292 28
                                    

Chapter 4 - Benumbed Heart

Official Soundtrack - Breakeven by The Script

Zoey's POV

♫ ♪ What am I suppose to do when the best part of me was always you. ♪ ♫

♪ ♫ And, what am I suppose to say when I'm all choked up and you're okay.  ♫ ♪

♫ ♪ I'm falling to pieces, yeah, I'm falling to pieces. ♪ ♫

Nagising na lang ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock na nakapwesto sa aking lamesa na nasa gilid ng aking kama. 

Binuka ko ng kaunti ang mga mata ko at sinilip ang wall clock na nakapaskil sa dingding ng kwarto ko. 6:00 AM sharp na pala. Bad trip naman oh, ang aga-aga kong nagising pero weekend naman.

By the way, sa dinami-dami ng kantang pwedeng patugtugin ng alarm clock kong 'yan, eh 'yun pang pangbroken-hearted. Hmmm.

Sign na kaya ito?

Nako, 'wag naman sana.

'Yon nga pala ang mamahaling alarm clock ko na bili nina mommy at daddy sa New York. Araw-araw, iba't-ibang kanta ang pinapatugtug niyan. Akalain niyo ba naman 'yon, ang kantang 'yun ang nag-play ngayon?

Well, tumambad muli sa isip ko si Drake. Actually, all this time siya lang naman talaga nasa isip ko and now, I don't know what to feel. Should I give him a second chance? Or shouldn't I?

I know everyone deserves a second chance, pero . . . I need a sign para maibigay ito sa kanya.

Nag-isip ako, but since wala pang pumapasok sa isip ko, I decided to call Drake. 

I grabbed my phone na nasa table rin katabi ng alarm clock ko. Hinanap ko sa contacts ang pangalan ni Drake. I immediately pressed the 'Call' button as soon as I saw his name on the list.

He then answered my call on the third ring.

"Babe! Good morning! So what's up? Bakit ang aga mo naman yatang napatawag?" sabi niya sounding curious.

Hmmm. May pa-babe-babe pa 'tong nalalaman.

Wait, why am I so bitter already?

"Uhh, ehh, ano, pwede ba tayong magkita? Gusto ko lang sanang makipag-usap." tanong ko na may pag-aalanganin.

"Babe, may practice kami sa basketball ngayon. Alam mo na, High School Basketball Playoffs this year." pagpapaliwanag niya.

'Yan lang ba talaga ang pinagkaka-abalahan mo o may iba pa? Bigla kong naisip.

"Pwede naman akong pumunta sa campus ngayon eh. I can go there anytime of the day." sabi ko naman.

"Uhh, 'wag, give me an exact time para makahingi na ako ng pahintulot kay coach na lumabas." sabi niya.

Bakit kaya kailangan pa ng time? Hahaha. Natatakot ba siyang mabistado ko sila ng babae niya? Grrr.

"Si - sige ba! So pupunta ako d'yan at 12:00 PM. How's that?" I suggested.

"Sige! Sabay na rin tayong mag-lunch babe. Na-miss na rin kasi kita." sabi niya.

"Okay, sige, baka papagalitan ka na ng coach mo. Sige bye na!" sabi ko.

"Ang galing mag-timing nitong babe ko ah? Tamang-tama! Hinanap na nga kami ni coach. Sige, see you babe, mwuah!" sabi niya at ibinaba kaagad ang tawag ko.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon