Chapter -- - 4 months later

30.7K 789 38
                                    

 

"Sky!!!" Mich waved at me and my mom nang makababa kami ng tricycle. She's really hyper and a very jolly person.

"Hi Mich, Hi po Tita" I smiled and greet her and her parents as well.

It's so refreshing to see everyone wearing their white cap and gown. Some of the students are having good time with their parents while waiting for the procession to begin. It has been four months. Who would have thought that things will end just like how it started.

At the start of this school year, I became a transferee of a well-known school but four months after that accident I ended up graduating in my former school. My life has been a roller coaster ride. In the end doon pa din ako bumagsak sa kung saan ako nagsimula. And daming naging ups and down pero sa huli naging maayos din ang lahat.

Naging masaya man ang katapusan hinding hindi ko pa din makakalimutan ang mga pangyayari na bumago sa buhay naming lahat. Hinding hindi ko pa din makakalimutan ang mga pinagdaanan namin.

"Sayang naman Sky, ikaw sana ang makakakuha ng medal na iyon. Naging valedictorian lang naman siya dahil nawala ka." Mich said bitterly nang makita nya na dumaan ang guro namin na dala ang medal na igagawad mamaya. Kahit naging matagumpay ang pagpigil ng lahat sa pagkuha ng National Exam ay hindi kami ganoon kaswerte dahil hindi namin nakuha ang target na first place but at least we got 5th place. Nakakatuwang-isipin na kahit papaano ay nagbunga lahat ng pinagdaanan namin. Maybe the hardest part wasn't accepting the fact that we got 5th place at hindi ang minithi naming 1st place kung hindi ang katotohanan na hindi kami makakagraduate samasama. Mr. Montgomery had to send me back to my school because that was written on the contract made by him and the board members. No matter how much those delinquents pleaded naging buo ang desisyon ni Mr. Montgomery na gawin ang naaayon sa napagkasunduan.

Hindi naman naging hadlang ang paglipat ko ng school para hindi sila macontact. We even spent some times of our Christmas vacation together. Pero naging busy na din kaming lahat nang magresume ang klase. They had to study harder dahil hindi naman naging sakop ng National Exam ang mabababa nilang marka. Kailangan nilang hindi lamang makapasa kung hindi makakuha ng mataas na marka upang siguradong makagradute. As for me, I had to study hard as well dahil tanging mga grade sa major exams ko lamang ang nakuha ko at nagamit noong lumipat ulit ako. Natambakan tuloy ako ng napakadaming requirements na kailangang ipasa upang makahabol sa kanila. At dahil wala naman sa tamang panahon ang paglipat ko sa kanila ay nawala din ang pagkakataon ko na maging valedictorian. But who cares? Higit pa sa medalyon na iyon ang mga naranasan at nagampanan ko. Higit pa sa medalyon na iyon ang katunayan sa lahat ng mga natutunan ko. Ang mahalaga ay magagawa na namin ang ipinangako namin sa bawat isa. Sabi ko nga sa kanila, makakagraduate kami. Kung hindi man sama-sama at least makakagraduate kami ngayon. Sayang lang at hindi nila mawiwitness ang pag-akyat ko sa entablado. Marahil ay busy din ang mga iyon sa pagpapractice.

"Hoy!! Lutang ka na naman. Wag kang mga-alala. Everyone knows na ikaw ang dapat na nandoon at hindi sya. Kaya nga ikaw din ang napili na lumipat sa isang kilalang paaralan kesa sa kanya." Nabalik ako sa realidad nang magsimula na naman sa pagrereklamo si Mich. She's really bitter about it.

"Bakit ba galit na galit ka sa kanya? At saka deserve naman nya dahil pinagsikapan nya din yan." I smiled at her and tap her shoulders while she just pouted. She's really cute. Mich has been a good friend to me. I even thought I don't have friends here kahit nakakausap ko silang lahat noon. I always thought of them, my classmates and schoolmates here, as mere companions but Mich really stands out. She has this attitude similar to Trevor pero nakakatakot na ipakilala sya kay Trevor since Trevor hasn't changed and still a womanizer as he is.

Nagsimula na ang procession ngunit dahil first section kami ay huli kaming makakaupo. Nakakatuwang marinig ang tugtog na ito habang lumalakad paakyat at pababa ng stage. Kahit nga ang magsuot lamang ng cap and gown ay achievement na. Six years ang ginugol ng bawat isa makamit lang ang pagkakataon na ito.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon