Chpater -- - first exam (countdown to finale)

28.3K 747 24
                                    

My party people,

kung basa nyo na ang chapter na ito, i suggest read it agan so you won't miss any part. Nalimutan kong ilagay ang end part ng chapter..anyway, we are down to last few chapters..more or less five chapters. I'll try my best to give you the best ending that i could give. Thnkas for supporting.

"What is the formula for getting the height of the fluid used in barometer?"

"h= atmospheric pressure divided by the product of gauge pressure and gravity"

"Bernoullis' Principle?"

"P1 + 1/2pv1^2 + pgy1 = P2 + 1/2pv2^2 + pgy2"

"rate of the flow of electric change?"

"electric current? Yes electric current."

"Significance of electrical forces?"

"Electron bonding to a positive nucleus forming a stable atom and atoms bonding together into molequles, liquids and solid."

"Ahhh...may isasagot na ako mamaya!!!" Sigaw ni Nathan nang masagot nya ang mga tanong ni Mark sa kanya. Nagrereview talaga sila and seryoso silang lahat. After ng pagrereview namin after class everyday and during Saturday ay nagbunga naman. May naiisagot na nga sila. We only review the basics and funadamentals of every subject since imposibleng matapos naming aralin lahat sa loob lamang ng isang linggo. At napakagandang resulta na may alam na talaga sila. Maaga silang pumasok ngayon para lang magreview ulit. Nakakataba ng loob na ginagawa nila lahat ng makakaya nila. Even Nathan, bumalik sya agad dito sa Pilipinas dahil pinangako nyang sabay sabay silang kukuha ng exam. Tinupad nya ang pangako nya. Kinakabahan ako para sa kanila. Sigurado naman akong hindi mapupunta sa wala ang pinaghirapan nila. Malalampasan namin ito.

"Everyone take your seat. Magsisimula na tayo ng exam." Inayos na namin ang mga upuan at isa isa nang ipinasa ang mga papel.

"Your first subject would be math. Lahat na ay included dyan analitycal geometry, differential calculus and even integral calculus. That's good for 2 hours. Mamaya ipapamigay ang sunod nyong exam once na natapos ang dalwang oras nyo. Anyone who would be caught cheating will be reported to the principal's office. You may start." Pagkabuklat pa lamang nga papel ay agad na bumungad ang mga problems and some mathematical terms na hinihingi. Ang first part ng exam ay hindi maipagkakailang madali dahil pang first year high school pa ang mga tanong at simpleng algebra lamang. Sa pahuling part pa ang panglevel namin ngunit bilang lang ang mga ito.

Isa't kalahitng oras ko lamang sinagutan ang math test namin. May iba din naman na nakatapos na. Bukas ay makukuha na din namin ang resulta ng exam.

Our next subject is English and honestly it's just a piece of cake pati na din ang Filipino. Medyo nahirapan naman ako sa pagrerecall ng mga dates sa history at naenjoy ko ang pagsosolve ng physics. Lahat ng iyon maliban sa physics at math na tumagal ng dalawang oras ay tig-iisang oras lamang.

"that was nerve-wrecking. Feeling ko wala nang laman ang utak ko ngayon." Reklamo ng iba naming kaklase at mababakas nga sa kanila ang pagod.

"Pero may naisagot ako ngayon! Sigurado na akong hindi ako makakakuha ng marking zero." Nagtawanan naman sila sa banat ni Yvo. Nabigla din nga ako noong buong klase ang sumama sa pagrereview kalimitan kasi ay barkadahan lang ni Xander. But this time silang lahat na.

"Ang kailangan lang natin ay maghintay nang magiging resulta bukas. Sa ngayon ay kailangan muna nating ipahinga ang mga utak natin. Nakakapagod ang araw na ito." Sumang-ayon naman silang lahat. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na makagraduate kasama sila. Alam kong magbubunga ang pinag-aralan naming lahat.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon