Chapter -- - Camping 2!!

27.2K 766 27
                                    

My dearest party people,

Now we're down to our last seven chapters. Yes, Dealing with the delinquent is about to end. After their long journey and my long journey of thinking and looking for every chapter to complete their story finally matatapos na din. Please support me until the end.

- rosen

 

Hindi pa man pumuputok ang araw ay ginising na agad ang mga campers. As for Xander and I hindi na namin nagawa pang matulog matapos ang mga pangyayari. Buong oras na iyon ay nakaupo lamang kami sa bench at nakatingin sa kawalan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi man lang ako dinalaw ng antok. Maging si Xander ay ganun din.

Pagkagising pa lamang ay exercise agad ang ibinugad sa amin but I really don't have the energy to do it. Dahil wala naman talaga akong naitulog feeling ko talaga ay lumulutang ako. Minsan nga nabubunggo ko na sila.

Nasa kalagitnaan kami ng pageexercise nang may biglang humatak sa akin at inilayo ako sa karamihan. He went into a tent kung saan naandoon ang mga medics. Agad namang umalalay ang nandoon sa amin. Whoever this person is,  I want to thank him pagkagising ko but now I really have to sleep.

I feel a warm soft cloth wrapping my left hand. And my left side also feels so warm. I can hear someone's breathing.

"I told you dumbass. It was just an accident. Hindi lang naman ikaw ang nabalian kundi pati ako" Naalimpungatan ako sa mga boses na nagsisigawan. Tama nga ako, nasa tent kami ng mga medics at napakaganda ng naitulong ng tulog na iyon. Hindi na masakit ang ulo ko at tila lumulutang.

Pagbangon ko ay kaagad na lumapit ang isa sa mga medics sa akin.

"Okay ka na ba miss?" I nodded at tinuon ang attention ko sa grupo ng kalalakihang nagtatalo. Sa boses pa lamang nila kanina alam ko na agad na kilalang kilala ko na sila.

"Anong nangyari sa kanila?" Tumingin sa direksyon nina Brian ang babaeng lumapit sa akin.

"Masama kasi ang bagsak nang mga kagrupo nila sa chicken fight kanina kaya hayan at nabalian ang dalawa sa kanila at kanina pa sila nagsisisihan. Tinatawanan na nga lang namin dahil mukhang wala namang patutunguhan ang pag-aaway nila." Napatawa din naman ako. Hindi naman kasi sila nag-aaway. Ganyan din sila sa classroom kapag nasasaktan ang isa sa kanila. They love to pretend like they don't care when in fact nag-aalala lang talaga sila kaya sila ganyan.

"Sino po pala ang nagdala sa akin dito? Asan sya?" Nilingon ko ang buong paligid looking for someone but I failed. Kami lang talaga dito at ang ibang grupo. Bakit ba kahit di ko alam kung sino ang hinahanap ko tila may inaasahan akong makita at malaman.

"Yung boyfriend mo. Katabi mo nga syang matulog kanina dahil kinulang kami sa higaan dahil di pa sinasauli ng mga nanghiram kagabi ang iba naming higaan. Good thing at kasya naman kayo. Nakakapag-alala sya dahil hindi sya makatulog kaya't hinawakan nya ang kamay mo. Ang sweet nyo namang dalawa." Sa deskripsyon na palamang na hindi makatulog tingin ko ay alam ko na kung sino. Kung ganoon ay totoo ang nararamdaman ko kanina na may nakabalot sa kamay ko at may nakatabi sa akin kanina?

"Nasan sya?" Hindi ko na pinansin ang sabi nyang boyfriend ko si Xander dahil sigurado akong hindi din naman sya maniniwala kung sasabihin kong hindi kami at isa pa sa inaktong iyon ni Xander ay talagang baliw na ata ang maniniwala sa akin.

"Ahh kanina pa sya umalis nang magdatingan sila. Siguro ay naingayan." Inayos ko na ang sarili ko at nagpaalam sa kanya. Patuloy pa din ang laro at siguradong galit na sina Sam at ang grupo ko sa akin. Nagpapakahirap sila samantalang ako naman ay natulog lang.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon