Chapter 7 - unexpected guest

37.9K 827 17
                                    

SKY'S POV

" Nak, ang saya ata natin ngayon ah.." My mom commented habang nag-aayos sya ng hapunan naming. Hindi ko kasi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Feeling ko napaka-successful ng araw na ito.

"Kasi ma, umattend na sila kanina nung lesson namin tuwing hapon. Kaso may iba pa din na di naman nakikinig, pero atleast andun sila." Lalong lumapad ang ngiti ko nang maalala ang nangyari kanina.

Last subject na namin 'to. Napabuntong hininga na lamang ako thinking kung aattend sila o kelangan ko na naman maghintay ng matagal? Kaso di na ako pwede ng masyadong matagal. Ayoko nang maulit yung kahapon.

"Ano na? Mag-iintayan na lang ba tayo dito o magtuturo ka na?" Sabi ni Xander habang nakatingin sa akin tapos tumingin na ulit sa unahan. That's when I noticed that only some of them left the room and most of them stayed.

"Eh?? Ahh..ahh..oo..p.p..punta na ako sa unahan." Nagmamadali akong pumunta sa unahan at nagsimula na sa pagtuturo sa kanila. May time na tinutulungan din ako ni Drew na mag-explain tapos minsan naman basta na lang magsasalita si Xander. Syempre kung may nakikinig andyan din yung parang wala lang. Tulad nina Trevor, Brian, Drei. Busy sila; busy sa wala. Naglalaro lamang sila at tila naghihintay lamang na matapos ang oras.

And Good news, sa unahan na ako dumadaan. Nung una nag-aalinlangan pa ako pero mas ayoko dumaan doon sa likod. Pero di naman ako inaway nina Sam nung nakita nila ako. Pero kung nakakapatay ang pagsama ng tingin, baka patay na ako kanina. Ganun na lang talaga siguro ang takot nila kina Xander na sumunod talaga sila sa mga ito.

"Wow, that's nice anak, atleast nakakapag-aral na kayo. Ano bang patutunguhan nyan at aayos na din silang lahat." Mana talaga ako kay Mama napaka optimistic.

"Ahh, Mama, punta nga po pala muna akong book store after nating kumain. May bibilhin lang po ako na kailangan ko mamaya." She just nodded and we started eating after a simple prayer to thank God for our food.

Hindi na ganoon kadami ang tao sa bayan ng pumunta ako sa bookstore to buy some stuffs. Dumadami na ang mga taong mas nais manatili sa kanilang bahay kaysa ang gumala sa bayan.

"Hmm..asan na ba yun?" eto ang hirap sa book store na ito, hindi organize ang mga gamit. Ito din ang pinakamalapit sa tirahan naming kaya no choice.

I was busy looking for double-sided tape when a man approached me. "Ms. Excuse me, can you please help me, this is really urgent. Ahmm..Gosh, this is so embarrassing." Sabi nung lalaki na nag-approach sa akin na halatang nahihiya na sabihin yung favor nya. Hindi ko din naman alam kung ano ang itutugon.

"Okay, I know we don't know each other yet but could you please, could you please lend me some money?" Napanganga na lang ako sa hinihingi nya? Mukha ba akong bangko?

"I'm really really sorry for bothering you, it's just that they don't accept my credit card and they really want me to pay right now. I have money but not Philippine money. Don't worry, I'll pay you back, I'll withdraw from my account right away after you pay my bill. Please, please." Halata sa kanya na hiyang hiya sya sa favor na hinihingi nya. Pumayag na lang ako sa favor nya. It's not like I can still refuse. Babayaran din naman nya kaagad. Sinilip ko ang ATM machine sa di kalayuan at madami nga ang nakapila dito. I'll just pray na hindi Malaki ang bill nya. But looking at his basket, hindi naman ganoon karami ang mga pinamili nya.

Hindi naman ganoon kalaki yung bill nya. Sakto lang sa pera na dala ko kaso di ko naman nabili yung kailangan ko.

"Gosh, this is really embarrassing. Anyway I'm really grateful that you helped me. Come on let's go." Sabi nito sabay hatak sa akin. Nabigla ako sa inasal nya. Hindi naman sya mukhang kidnapper, but who knows. Baka mamaya na-hypnotize na nya ako. Nakakawala talaga ng tiwala ang mga krimen ngayon.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon