CHAPTER 2

101 22 11
                                    

Chapter 2

"NAKAKAINIS naman! Bat kasi may partner ako ngayon? Basic lang naman itong mission na to ah." Hanggang ngayon di pa rin ako maka- get over sa partner ko. Tapos lalake pa. Tss.

Nagre- research ako tungkol sa magnanakaw na to sa data base ng mga pulis. Wala namang karecord- record. Naghanap din ako sa database ng Agency meron pero kakaunti lang.

Naghanap na din ako ng article tungkol sa magnanakaw na to. Pero hindi detailed eh kaya medyo mahirap.

Nag- try din ako mag- hack ng mga data base pero wala pa rin siya don.

Pero naiinis pa rin ako kay boss hanggang ngayon. Alam niyang hindi ako sanay ng may partner dahil naranasan ko na dati magkaroon ng partner pero pumalpak kami dahil hindi kami nagkasundo kung ano gagawin.

Kanina nung tinawagan ko si Boss ay ito lang ang sinabi niya sa reklamo ko. "Hindi ako magbibigay ng partner sayo kung hindi kayo magtatagumpay sa mission niyo."

Ewan ko ba diyan kay boss. Tinanong ko din kung pwede na ba kami magkita bago ang mission pero sabi niya hindi pa daw pwedeunless pumayag makipag- kita ang partner niya kaya binigay na lang niya sakin ang email niya.

Nag- email na ako kanina about sa mission namin at kung anong dapat niyang gawin. Sinabi ko lang na mag- hanap siya ng secret sites dahil baka doon ay may makuha silang impormasyon.

Buti na lang sa isang araw pa ang mission kaya medyo mahaba pa ang oras namin para mag- research.

Natulog muna ako para makapag- pahinga. Sunod sunod na kasi ang mission ko sa pagiging pulis.

---

Nagising ako dahil sa kalabog sa baba kaya tumayo ako sa higaan ko upang tignan kaso bago ko pa buksan ang pinto ay bumukas na ito at doon ay humahangos na pumasok si mama.

"Ma bat po ang ingay? Anong meron?" Pagtatanong ko. Tinapat naman ni mama ang daliri niya sa bibig niya para sabihing tumahimik ako.

Hinila ako ni mama papasok sa cabinet dahil may secret door doon."Nak wag kang maingay ha? Magtago ka lang. Wag kang lalabas."Nakita ko naman siyang nagtago sa likod ng pinto habang hawak ang lamp shade ko. Nagulat naman nang biglang narinig kong kumalabog ang pinto. Nakarinig din ako ng sigaw at kalabugan. Umiiyak lang ako dito sa loob ng cabinet.

Nang mawala ang ingay tsaka lang ako lumas ng cabinet habang umiiyak. Mas lalo akkong umiyak dahil sa nakita ko ng lumabas ako ng cabinet. Nakita ko si mama na nakahandusay sa sahig. Narinig kong may kumalabog sa kabilang kwarto kaya nagtago muna ako sa likod ng pinto.

"Oh bat dala mo yang bata?" Narinig kong tanong ng lalaki. Sumilip siya sa siwang ng pinto at nakita niya ang tattoo nito sa likod ng tenga na apoy. Flames.

"May paggagamitan ako dito pag nag tagal. Nakita mo ba yung isang bata?" Tanong ng isa pang lalaki.

"Sumama yun sa tatay niya. Wala na silang aabutan dito pag- uwi nila." At nakarinig siya ng tawa. Tawa ng isang demonyo. Nang mawala ng mga naririnig niyang nag- uusap ay umalis siya sa pinagtataguan niya at pinuntahan niya ang kapatid niya sa kabilang kwarto pero wala na ito. Binalikan niya ang kanyang ina na dumudugo ang tagiliran dahil sa saksak.

"Nak tumawag ka ng pulis. Tawagan mo ang mga pulis." Nanghihinang sabi ng kanyang ina. Tumawag siya sa mga ulis habang iyak ng iyak dahil sa kanyang ina. Ngunit biglang nagdilim ang paligid at naririnig niya lang ang halakhak ng mga taong pumatay sa kanyang ina at ang kumuha sa kanyang kapatid.

"Tama na! Tama na! Ayoko na!" Sigaw lang ako ng sigaw.

--
"TAMA na!" At nagising ako sa isang bangungot. Palagi niyang napapanaginipan ang ganung pangyayari mula ng mamatay ang kanyang ina. Kung hindi ang katawan ng kanyang ina ang dadalaw sa panaginip niya ay ang mga halakhak naman ng mga lalaking nanloob sa bahay at pumatay sa ina niya. Pinigilan ko ng alalahanin ang mga nangyari noon.

Stolen SupremacyWhere stories live. Discover now