TEARS End

249 7 1
                                    

TEARS End

Aleah's POV

Today is the big day.

1st Monthsary namin ni Prince.

Excited na ako!

Nabili ko na yung damit na isusuot ko, the problem is yung regalo ko. Tsk! Kulang na ang pera ko.

9 am pa naman ang class ko.

Paano ba yan, eto na lang ang last chance ko "lolo pasensya na kung gagawin ko ito, kailangan eh." Bulong ko habang tinitingnan ang mamahaling singsing sa aking kamay. Balak ko kasing isanla muna ito, babayaran ko na lamang kapag nagkapera ako. Bigay ito sa akin ni lolo nung nag-7 ako.

Nagpunta ako sa isang malapit na pawnshop.

"Ale 1200 lang ito?" Naiinis kong Tanong.

"Eh ineng yan lang talaga ang halaga nyan eh." Sabi nito.

"Bakit ganun may halo naman itong ginto?" Pilit kong sabi.

"Ineng malaki nang halaga yang binigay ko, kung ayaw mo pumunta ka na lang sa ibang pawnshop tiyak kong mas mura ang halaga nyan." Reklamo nito.

"Sa pagkakaalam ko 10, 000 ang halaga nito ale." Sabi ko.

"Oh sya tutal mapilit ka ineng gagawin kong 1500, yan na ang pinakamalaking halagang maibibigay ko, kung ayaw mo talaga hanap ka na lang ng iba." Taas kilay nitong sabi.

Wala na talaga akong nagawa at kinuha ko na lamang iyon. Kulang pa din ang pera ko. Hmmp.

Isip isip muna.

Tsk. Nakakahiya man kailangan ko itong gawin.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

*tok tok*

Biglang bumukas ang gate ng bahay kung saan ako naroroon.

"Oh Aleah bakit ang aga mo? 3 pm pa ang tutor ni Den-Den ah. Pasok ka." Gulat na sabi ng isa sa mga magulang ng bata na tinuturuan ko.

"Ma'am Belle may pakiusap po sana ako." Nahihiya kong sabi.

"Ano ba iyon iha?" Tanong nito.

"Ahm p-pwede ba akong makahingi ng a-ano a-advance para sa tutorial ni Den-Den?" Nauutal kong sabi.

Medyo napaisip pa ito. "Magkano ba ang kailangan mo iha?" Tanong nito.

"A-ahm pwede po bang 2 000? Kung wala naman po akong ma-aadvance, okay lang." Sabi ko.

Dumukot ito ng pera sa wallet, "Eto iha.." sabay abo't ng pera sa akin. "Mukhang kailangang-kailangan mo, tutal napalapit ka na naman sa amin ni Den-Den. Malaki din ang naitulong mo para matuto ang anak ko." Nakangiti nitong sabi.

"Salamat po talaga Ma'am Belle, huwag po kayong mag-alala mas pagbubutihan ko pa ang pagtuturo kay Den-Den." Naiiyak kong sabi habang hawak hawak ang kamay niya.

Tumango na lamang ito.

Pasalamat ako at may mababait na taong handang tumulong sa akin.

Dumiretso ako sa Mall kung saan ko nakita yung watch na gustong gusto ni Prince.

At Yes! Buti wala pang nakakabili nun. Matutuwa talaga si Prince.

"Miss, this one please." Sabi ko.

"Good choice ma'am, para kanino po ba itong watch?" Tanong nito.

"Para sa boy friend ko po." Tiyak ang pamumula ng pisngi ko.

TEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon