TEARS 3

208 7 0
                                    

Aleah's POV

Nakauwi na ako sa bahay dala dala ang Roses at Cake na mula kay Prince nakakatuwa kasi may Note pa ito na nakalagay "You are special and I hope that you float through the day with a big smile on your face. Happy Birthday!" ewan ko pero parang namula ako sa nabasa ko.

"Uiii si Ate, kanino galing yan ha?" pagbibiro sa akin ni Yana.

"Wala ah, b-bigay ng b-best friend ko." pagdadahilan ko sa kanya.

Bigla na lamang itong tumakbo at naglulundag, "si ate, si ate may boyfriend na uiii." sabi nito na halata mong kinikilig pa.

"Yana! Wag ka ngang magtatakbo at magtatalon masama yan sa kalusugan mo." pagmumura ko sa kanya.

"Malakas na ako Ate." sabi nito sabay ngiti sa akin.

Ang batang ito talaga.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Lumipas ang ilang araw at nagugulat na lamang ako sa pinagagawa ni Prince, lagi niya akong binibigyan ng roses at kung ano ano pa, pero ewan ko parang napapalapit na siya sa akin.

"Aleah.." sabi ni Prince sa akin sa seryosong boses.

"Hmm? Ano iyon?" sabi ko sa kanya.

"Alam mo naman kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito?" sabi niya.

"Alin? Ang pagbibigay sa akin ng chocolates at roses?" sabi ko.

Ewan ko ba pero alam ko na ang gusto niyang iparating sa akin, "no hindi iyon. A-aleah kasi I-I like you." sabi niya habang nakakatitig ng diretcho sa mga mata ko na feeling ko sincere siya.

Umiwas ako ng tingin, "Oh like pala eh friends naman tayo ah." sabi ko sa kanya.

"No Aleah I mean I don't want to be just a friend, I want more than that." sabi niya sa akin sabay hugot ng hininga. "I love you Aleah can you be my girl friend?" sa kanyang sinabi parang nahulog ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Masasabi kong nahulog na ang loob ko sa lalaking ito, sa isip ko siguro kailangan ko nang buksan ang puso ko para sa kanya. Masaya ako pag naandyan siya, mahal ko na si Prince dela Vega.

Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, "hey Aleah s-silence means Yes." sabi niya sabay ngiti.

Tumango lang ako sa kanya.

"Hey a-anong ibig sabihin niyan?" nakangiti niyang sabi sa akin.

"A-Ahh.." tumalikod ako sa kanya, "ibig sabihin nun m-mahal din kita Prince." sabi ko sa kanya.

"What!? Yess!! Wooh!!" sigaw niya.

Pagkatapos ay niyakap niya ako at binuhat, "Yes kami na! Guys Kami na!" sigaw niya sa mga nadaang tao at nang tingnan ko sila ay masaya naman sila para sa amin ni Prince.

At masasabi ko na sa pagdating ni Prince, maglalaho ang madilim na araw ng buhay ko.

^________________________^

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Ikinuwento ko kay Yana na kami na ni Prince.

"Ate talaga? Wow naman, Ate ngayong may Boyfriend ka na dapat magpaganda ka na, naku baka maagaw pa sya ng iba sa iyo." sabi ni Yana sa akin.

"Yana maganda na si Ate, ano ka ba!" sabi ko sa kanya.

Siguro nga tama si Yana, change is good for the better.

TEARSWhere stories live. Discover now