TEARS 2

233 8 0
                                    

Aleah's POV

Kasalukuyan ako ngayong naghahanda kasi may Fieldtrip kami sa isang resort. Letche naman, ayoko namang sumama sa mga ganitong ka-ek-ekan.

Nasa sulok ngayon ako ng bus, kasama naming mga Psychology students ang mga I.T. students sa iisang bus at ang iingay nila. Pero wala akong pakialam!

Wala ngang tumabi sa akin kasi nga boring daw ako. Hindi ako pala-imik sa iba at ayoko na dinadaldalan ako.

Ilang oras lamang at dumating na kami sa boring na resort, walang kakwenta kwenta. Kukuhanin ko sana ang bag ko sa laglagyan ng gamit kaso hindi ko makita. Jusko may nantrip na naman sa akin. Paktay talaga sa akin pag nalaman ko kung sino.

At ayun! Nasa lalagyan ng bag ng mga I.T. students. Bwisit talaga! Bakit napapunta iyon doon?! Agad ko iyong kinuha at bumaba na ako.

Pumasok na kami sa resort at sa tutuluyan namin, kung sinuswerte ka nga naman kasi iyong mga babae na kasama ko sa kwarto tabi tabi sa dalawang kama, ako naman mag-isa lamang. Narinig kong sabi nila na wierdo daw ako at baka nangangagat ako kaya ayun ayaw nilang tumabi sa akin.

Nagsilabasan na silang lahat at ako na lamang ang natira sa kwarto, kinuha ko ang bag ko at naghalungkat.

"Ano to?" walang gana kong sabi.

"Bakit may ganito sa Bag ko?" sabi ko sabay taas ng mga boxers, brief at sando.

Argh! Naghalungkat pa ako at puro gamit ng lalaki ang nakita ko. Putapete naman oh, kanino itong mga gamit?

At sa paghahalungkat ko nakita ko ang isang I.D., tiningnan ko iyon at kay "Prince Dela Vega?" nasambit ko. "BSIT 3." letche sino ito?

Dali dali akong lumabas at pumunta sa mga I.T. students napansin kong pinagtitinginan nila ako kaso tiningnan ko sila ng masama at natakot naman sila. Hinanap ko ang nagmamamy-ari ng I.D. buti na lamang at may Picture ito.

At atlast nakita ko agad siya, "Ikaw ba si Prince Dela Vega?!" pagtataray ko.

"Ako nga bakit?" taas kilay nitong sabi.

"Sayo ba ito?" tinaas ko iyong I.D. pati na yung bag kasama ung Brief, boxers at sando niya.

"P-paano napunta sayo yan?" gulat niyang sabi.

"Nasa loob ng bag ko itong gamit mo Bruho!!" pagsusungit ko.

"Wow ha, isa ka rin pala sa mga suitors na nagnanakaw ng gamit ko." pagmamalaki niyang sabi.

Ibinato ko sa kanya ung mga gamit niya, "Wala akong panahon na makipaglokohan sayo, gago!! Akin na ang mga gamit ko!" sigaw ko sa kanya.

"Teka? So kaninong bag yung nakuha ko?" gulo niyang tanong tapos kinuha niya yung bag na nasa kanya at sa gulat ko parehas pala kami ng Bag.

Binuklat niya ta laking gulat na andun ang gamit ko, puro color black iyon. Hindi ako nagdala ng mga gamit na pampalit kapag naligo, kasi di ko trip ang mga ganitong field trip at mas gusto ko pang magkulong sa kwarto.

Binigay niya sa akin ang bag, "pinagpalit mo siguro ang bag natin para makalapit sa akin ano?" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

Aaminin ko, gwapo ang Prince na ito pero letche lang ang kapal ng mukha niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at natakot naman siya. Dali dali akong umalis doon kasi ang daming usyosera sa paligid.

Nagkulong na lamang ako sa kwarto at nakinig ng music pero bakit naaalala ko ang mukha ng Prince na iyon.

Bigla namang dumating ang mga bruha kong kasama sa kwarto at halatang takot na takot sila sa akin.

"Hoy sino ba iyong Prince Dela Vega na iyon?" tanong ko sa kanila at nakita ko naman ang pamumutla ng apat na bruha.

"S-si Prince? Siya iyong pinakagwapo sa school h-hindi mo ba siya kilala?" utal na sabi nung isa.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko bruha!!" sabi ko sa kanya.

Prince? Prince? Hambog, mayabang, mahangin, makapal ang mukha, magaspang ang ugali, gwapo, gwapo? Huh? Ano bang nasa isip ko, letche naman ohh!

Natapos din ang walang kwentang field trip at nakauwi na din ako sa wakas.

Sianalubong ako ni Yana at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Yana nainom mo na ba ang gamot mo?" tanong ko sa kanya.

"Ate ano ka ba, malakas na kaya ako. 9 years old na ako at kaya ko na ang sarili ko." sabi niya sabay ngiti.

Siya lang talaga ang nakakapag-lagay ng ngiti sa aking mga labi.

"Ate B-day mo na sa lunes."sabi niya.

"OO, kaya bukas magsisimba tayong dalawa at magbobonding tayo." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Yehey the best ka talaga Ate." sabi nito sabay yakap sa akin.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Dumating na ang Lunes at syempre mag-isa na naman ako. Lagi namang ganun, simula nung pumasok ako ng 1st year college ay walang nakaalala ng B-day ko, wala naman akong paki sa kanila.

Nagumpisa ng magturo si Ma'am at habang nakikinig kami ay may bigla na lamang kumuha ng atensyon naming lahat.

"Ma'am excuse po." sabi ng isang pamilyar na boses.

"Okay, ano iyon Mr. Dela Vega?" tanong nito.

Tumingin ako dito at nakita ko na may hawak itong boquet of roses sa kanang kamay at isang maliit na kahon sa kabilang kamay.

"Yieeeh!" tilian ang mga PDA kong klasmate, wala naman akong pakialam sa kanila at tumingin na ako sa White Board.

"Ma'am may sasabihin lang po ako." sabi nito sabay pasok sa loob ng classroom namin, ang kapal talaga ng apog ng lalaking ito.

"Go ahed Mr. Dela Vega." sabi ni Ma'am. Susme! Talagang ang teacher na ito ubod ng bait.

"Ahm guys gusto ko lang batiin ng maligayang kaarawan ang babaeng nagpatibok ng aking puso." pag-uumpisa nito.

Hmp? May kasabay pala akong nag B-day dito sa aming klasroom, sa isip isip ko.

"Yiiieee!" tilian ng mga kaklase ko, "sino kaya yin ang swerte naman niya." bulungan pa nila.

Hmp wapakels!

"Ms. Aleah Lee Happy Birthday." lumapit siya sa akin sabay abot ng roses at nang kahon na cake pala ang laman.

What? Laking gulat ko.

"Wow!! B-day mo pala Ms. Lee? Hindi mo man lamang nasabi sa amin." sabi ni Ma'am.

"Ano? Siya? Yung emo weirdo girl?" bulungan ng mga klasmate ko.

"Sana masaya ka ngayon sa B-day mo Ms. Lee." sabi ni Prince sabay ngiti, ewan ko pero parang namula ang pisngi ko at napayuko ako.

"T-thank you.." mahina kong sabi sa kanya.

"So paano, aalis na ako. Happy birthday ulit Ms. Lee." sabi ni Prince at umalis na siya.

Ewan ko pero parang bumilis ang tibok ng puso ko, ngayon lang ata may nagbigay ng Roses at Cake sa akin sapul ng mamatay si Lolo, parang ang saya saya ko.

"So Guys b-day pala ni Ms. Lee kantahan naman natin siya." sabi ni Ma'am.

Tapos kinantahan na kao ng mga baliw kong kaklase. Ewan pero parang tumatalon ang puso ko ngayon sa saya, parang nawala ang pagka-emo ko, letche naman oh!

"Thank you Prince Dela Vega pinasaya mo ako." bulong ko sa sarili ko.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Guys  Vote and comment naman kayo.

Pasensya na kung maikli lamang ito.

#IceCreamWriter_12

#Dec. 2, 2013

TEARSWhere stories live. Discover now