1.PAKILALA

45.4K 944 150
                                    

This chapter is dedicated to ALL of YOU. Salamat sa pag-subaybay kay Axl at Adrianna

Di ko na kayang mag isa-sa pa. Salamat. Mahal ko kayong lahat.

Shilloh

"Besh, bakit ka pinatawag ni President last week?" bungad sa akin ni Lhen, umagang umaga, kakababa ko pa lang ng bag ko. Andito kami ngayo sa school cafeteria, may thirty minutes pa kasi kami bago mag umpisa ang unang klase.

"Nagka-emergency lang sa bahay besh." Tugon ko dito. Hindi pa din ako maka get-over sa mga pangyayari last weekend. Lolo had talked to his comrade and expressed his unwillingness to pursue about their agreement. I could sense Mr. Tsui disappointment, as he stepped out in the library. Mukha itong nalugi ng malaki. Ramdam kong kahit nahihiya si Lolo sa kaibigan ay pinagpilitan pa rin nito na hindi nyo ako ibibigay kung kanino lang na lalaki. He told me that I am more valuable than gold.

So, heto ako problemado rin kung sa paanong paraan ako makakatulong. Ayoko namang tummunganga na lang at naghintay ng savior ko, syempre kilos-kilos din pag may time.

"Shilloh, ok ka lang?" nag -aalalang tanong ni Lhen. "Parang ang lalim ng iniisip mo besh?" Lhen is my bestfriend along with Ann. Simula Elementary ay magka-kaklase na kami, same course din ang kinuha namin nitong college, BS Tourism Management. Tinatanong nga kami ng mga dati naming classmates kung di daw ba kami nagsasawa sa mukha ng isa't-isa.

"Lhen, may konting problema lang, pero under control pa naman ito." Pagsi-sinungaling ko pa dito. Ayoko ko ng idamay ang mga ito sa problema ko.

"Besh, diba sabi ko, kapag kaya ko naman tutulong ako." Paalala nito sa akin. "Ano ba yan? I'll talk to Daddy and Kuya para matulungan ka nila." Kilala ang pamilya ni Lhen mayaman kasi ang mga ito. Magaling na negosyante ang mga magulang nito. Ang mga ito rin ang pinaka mayaman sa buong San Nicolas, meron ang mga itong malaking farm sa lugar na iyon, samahan pa ng palaisdaan at iba pang negosyo. Kaya naman ganun na lang ang pag-galang ng mga taga-San Nicolas sa pamilya nito, pero kahit ganun mabait itong kaibigan ko, napaka-matulungin din sa kapwa.

"Hayaan mo, kapag di na talaga namin kaya. I will seek for your help na. Okay pa naman kami. Kaya pa namin besh. Salamat talaga, dahil nagreach out ka. I do appreciate it a lot" nakangiti kong turan. Niyakap naman ako nito ng mahigpit.

"Bakit ba ang tagal ni Ann?" naiinis nitong sabi. "Nagpa-order pa, tapos di naman yata papasok, nakakainis ang biik na iyon talaga." nanunulis na ang nguso nito sa inis.

"Biik ka nang biik dyan, pag narinnig ka nun, may batok ka na naman." Banta ko dito, ayaw kasi ni Ann na tinatawag syang biik, though may pagka-chubby ng konte talaga iyung kaibigan. Pero her fats were on the right places, may shape pa rin kahit chubby.

"Totoo naman besh ah." Depensa pa nito sa sarili. "At tsaka twenty minutes na lang mag-start na klase natin, tapos wala pa rin sya. Kahit kailan talaga yan biik na yan."

"Mga BBEESSSHHH!!" mula sa ming kina-u-upuan ay napalingon kami sa may entrance nitong cafeteria, at andun na ang babeng aming kanina pang hinihintay.

"Ann, kahit kelan talaga, pa-importante ka!" Umpisa nitong si Lhen, na inismiran lang naman ni Ann. "Upo ka na dito, para maka pag-almusal na tayo. May klase na tayo mamaya."

"Oo ito na po senyorita." Pang-aasar pa nitong si Ann. Ang dalawang ito talaga, hindi yata mabubuo ang maghapon kapag di magkakadiklapan. Ako na ang nagmimistulang referee eh.

"Tama na yan, kain na tayo." Alok ko sa mga ito at baka magkahaba pa.

"Besh, di ka naligo ano?" pabulong na turan ni Ann kay Lhen.

Aggressive Men Series 2:Switched (SPG|R-18) COMPLETED Where stories live. Discover now